Ang linga (Sesamum indicum) ay isang uri ng halaman sa saring Sesamum. Marami itong ligaw na kamag-anak sa Aprika, at may mas maliit na bilang din sa Indiya.[1] Naturalisado ito sa maraming tropikal na rehiyon sa buong mundo at itinatanim para sa mga nakakaing buto nito na lumalaki sa loob ng mga bayna ng halaman. Noong 2018, 6 milyong tonelada ang naiprodyus ng mundo, at pinakamarami ang naiprodyus ng Sudan, Myanmar, at Indiya.[2]
Linga | |
---|---|
Halamang linga | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Lamiales |
Pamilya: | Pedaliaceae |
Sari: | Sesamum |
Espesye: | S. indicum |
Pangalang binomial | |
Sesamum indicum | |
Isa sa mga pinakaunang pananim na pinagkukunan ng langis ang buto ng linga, dinomestika higit sa 3,000 taon ang nakalipas. Maraming iba pang espesye ang Sesamum, karamihan ay ligaw at katutubo sa subsaharyanong Aprika.[1] Nagmula sa Indiya ang S. indicum, o ang uri na nililinang.[3][1] Nananatiling buhay ito sa tagtuyot, tumutubo kung saan nabibigo ang ibang pananim.[4][5] May isa sa mga pinakamaraming nilalamang langis ang linga sa mga binhi. Malinamnam at malanuwes ang lasa nito, at isa itong karaniwang sangkap sa mga iba't ibang lutuin sa mundo.[6][7] Tulad ng mga ibang pagkain, nakakaalerhiya ito sa ilang tao, at isa ito sa siyam na pinakakaraniwang alerheno na binalangkas ng Food and Drug Administration (FDA).[8][9]
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.