Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang sepak takraw[1] (Ingles: kick volleyball) ay isang larong pampalakasan na katutubo sa Timog-silangang Asya.[2] Naiiba ang sepak takraw sa magkahawig na palakasang footvolley sa paggamit ng bolang yantok at sa pahintulot sa mga manlalaro na gumamit lamang ng kani-kanilang paa, tuhod, dibdib, at ulo para hawakan ang bola.
Pinakamtaas na lupong tagapamahala | ISTAF |
---|---|
Mga katangian | |
Pakikipagsalamuha | Wala |
Mga kasapi ng koponan | 2–4 manlalaro |
Kategorya | Panloob |
Bola | Bolang yantok, sintetikong de-gomang plastik |
Olimpiko | Wala |
Sa Indonesia, Brunei, Singapore at Malaysia, sepak takraw ang tawag nila rito. Sa Malaysia, kilala rin ito bilang sepak raga. Sa Pilipinas, "sepak takraw" din ang tawag sa palakasang ito, kahawig ng sipa, habang kilala ang pandaigdigang bersyon bilang sipa takraw o sepak takraw, mga katagang hiniram. Sa Thailand, kilala ito bilang takraw. In Laos, ang tawag dito ay kataw (Lao: "pisi" at "sipa").[1] Sa Myanmar, kilala ito bilang chin lone, at mas itinuturing bilang sining dahil kadalasang walang kalabang koponan, at ang layunin ay panatilihing nasa hangin ang bola sa kaaya-ayang at kawili-wiling paraan.
Kabilang sa mga katulad na laro ang sipa, footbag net, footvolley, football tennis, bossaball, jianzi, at jokgu.
"Sepak" ang salitang Malay para sa sipa at "takraw" ang salitang Thai para sa bolang yantok; samakatuwid ang literal na kahulugan ng sepak takraw ay "sumipa ng bola".[3]
Iba't iba ang mga pangalan ng sepak takraw sa Timog-silang Asya; kabilang dito ang Indones: sepak takraw; Malay: sepak raga; Thai: ตะกร้อ, RTGS: takro, binibigkas [tā.krɔ̂ː]; Birmano: ပိုက်ကျော်ခြင်း, Pike Kyaw Chin; Filipino: sipa, sipa takraw, sepak takraw, binibigkas [sɛ̝päk täkɾɐw]; Khmer: សីដក់, Sei Dak; Lao: ກະຕໍ້, ka-taw; Biyetnames: cầu mây, "bolang calameae" o "bolang yandok".
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.