Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pilosopiyang sekular na humanismo ay yumayakap sa katwiran ng tao, etika, hustisyang panlipunan at pilosopikal na naturalismo samantalang tumatakwil sa relihiyosong dogma, supernaturalismo, sudosiyensiya, o pamahiin bilang batayan ng moralidad at paggawa ng desisyon.[1][2][3]
Ito ay nagsasaad na ang mga tao ay may kakayahang maging etikal at moral nang walang relihiyon o paniniwala sa isang diyos. Gayunpaman, hindi ito nagpapalagay na ang mga tao ay likas na masama o mabuti o nagtatanghal na ang mga tao ay superior sa kalikasan. Sa halip, ito ay nagbibigay diin sa walang katulad na responsibilid na hinaharap ng sangkatauhan at ang mga kahihinatnan na pang-etika ng mga desiyon ng tao. Ang pundamental sa konsepto ng sekular na humanismo ay malakas na pananaw na ang ideolohiya kahit pa ito ay relihiyoso o pampolitika ay dapat buong sinusuri ng bawat indibidwal at hindi lamang simpleng tinatanggap o tinatakwil sa pananampalataya. Kasama nito, ang mahalagang bahagi ng sekular na humanismo ang patuloy na pagtanggap ng paghahanap sa katotohanan na pangunahin ay matatamo sa pamamagitan ng agham at pilosopiya. Hinahango ng maraming mga humanista ang kanilang mga moral na paniniwala mula sa pilosopiya ng utilitarianismo, etikal na naturalismo o etikang ebolusyonaryo. Ang ilan ay nagtataguyod ng isang agham ng moralidad.
Ang mga humanista ay nagtipon ng iba't ibang mga manipesto upang pag-isahin ang pagkakakilanlang Humanista. Ang mga orihinal na lumagda sa unang manipesto ng Humanisto noong 1933 ay naghayag sa kanilang mga sarili na relihiyosong humanista. Dahil sa kanilang pananaw na ang mga tradisyonal na relihiyon ay nabibigo na sapatan ang kanilang mga pangangailangan sa mga panahong ito, ang mga lumagda noong 1933 ay naghayag na kailangang magtatag ng isang relihiyon na isang nagbabagong pwersa upang sapatan ang mga pangangailangan ng panahong ito. Gayunpaman, ang relihiyong ito ay hindi naghahayag ng paniniwala sa anumang diyos. Ang una ay napalitan ng ikalawa. Sa pauna ng Humanist Manifesto II, noong 1973, isinaad ng mga may akdang sina Paul Kurtz at Edwin H. Wilson na ang pananampalataya at kaalaman ay kailangan para isang nagbibigay pag-asa na bisyon ng hinaharap. Ito ay nagsasaad na ang tradisyonal na relihiyon ay pumipinsala sa sangkatauhan. Ang Manifesto II ay kumikilala sa mga pangkat bilang bahagi ng pilosopiyang naturalistiko: "siyentipiko", "etikal", "demokratiko", "relihiyoso", at humanismong Marxista.
Noong 2002, nagkakaisang tinanggap ng IHEU General Assembly ang Amsterdam Declaration 2002 na kumakatawan sa opisyal na naglalarawang pahayag ng Humanismo ng Daigdig.[4]
Ang lahat ng mga kasaping organisasyon ng International Humanist and Ethical Union ay inaatasan ng bylaw 5.1[5] na tanggapin ang Minimum na Pahayag tungkol sa Humanismo:
Ang Humanismo ay isang demokratiko at etikal na posisyon ng buhay na nagpapatibay na ang mga tao ay may karapatan at responsibilidad na magbigay buhay at humugis ng kanilang mga buhay. Ito ay tumatayo para sa pagtatayo ng isang mas makataong lipunan sa pamamagitan ng etika na batay sa mga pagpapahalagang pantao at iba pa sa espririto ng katwiran at malayang pagsisiyasat sa pamamagitan ng mga kakayahan ng tao. Ito ay hindi teistiko at hindi tumatanggap ng mga pananaw na supernatural ng realidad.
Upang itaguyod at pag-isahin ang pagkakakilanlang Humanista, ang mga kilalang kasapi ng IHEU ay nag-endorso ng mga sumusunod na pahayag tungkol sa pagkakakilanlang Humanista:
Ayon sa Council for Secular Humanism sa loob ng Estados Unidos, ang terminong sekular na humanismo ay naglalarawan ng pananaw ng daigdig na may mga sumusunod na elemento at prinsipyo:[6]
Ang isang Deklasyon na Sekular Humanista ay inisyu noong 1980 nang mga nauna sa Secular Humanism, CODESH. Ito ay naglalatag ng mga ideal: malayong pagsusuri kesa sa pagsesensor at pagpipilit ng paniniwala; separasyon ng simbahan at estado, ang ideal ng kalayaan mula sa kontrol na relihiyoso at sa jingoistic na kontrol ng pamahalaan; etika batay sa kritikal na katalinuhan kesa sa hinango mula sa paniniwalang relihiyoso; edukasyong moral, skeptisismo sa relihiyon, paniniwala sa agham at teknolohiya bilang ang mahusay na paraan sa pag-unawa sa daigdig; ebolusyon, edukasyon bilang mahalagang paraan ng pagtatayo ng makatao, malaya at demokratikong mga lipunan.[8]
Ang pangkalahatang doktrina ng Humanismo ay inilatag rin sa Humanist Manifesto na inihanda ng American Humanist Association.[9]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.