From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang sedimentolohiya ay sumasaklaw sa pag-aaral ng makabagong mga sedimento katulad ng buhangin,[1] banlik,[2] at putik,[3] at ang mga prosesong nagreresulta sa kanilang deposisyon (pagkakadeposito) o pagkakalagak at pagkakasapin-sapin.[4] Ginagamit ng mga sedimentologo o sedimentolohista ang kanilang pagkakaunawa sa makabagong mga proseso sa pagpapaliwanag ng kasaysayahang pangheolohiya sa pamamagitan ng obserbasyon ng mga batong sedimentaryo at mga kayariang sedimentaryo.[5] Halos natatakpan ng mga batong sedimentaryo ang ibabaw ng Daigdig, nagtatala ng Kasaysayan ng Daigdig, at kumakanlong sa mga tala ng mga kusilba o rekord ng mga posil. Malapit na nauugnay ang sedimentolohiya sa estratigrapiya (stratigraphy sa Ingles), ang pag-aaral ng pisikal at temporal na kaugnayan sa pagitan ng mga patong ng bato o istrata (istratum).
Ang pahayag na batayan ng pangangatwiran na nagsasabing ang mga prosesong nakakaapekto sa daigdig ngayon ay katulad ng sa nakaraan ay ang batayan sa pag-alam kung paanong nabuo ang mga katangiang sedimentaryo sa loob ng talaan ng bato. Sa pamamagitan ng paghahambing ng magkakatulad na mga katangiang pangkasalukuyan sa mga katangian sa loob ng talaan ng bato – halimbawa, sa paghahambing ng makabagong dalisdis ng buhangin sa mga dalisdis na napreserba sa sinaunang mga aeolianong piyedra – muling nabubuo ng mga geologo ang mga kapaligirang lumipas na.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.