From Wikipedia, the free encyclopedia
Si San Jorge (Ingles: Saint George; Griyego: Γεώργιος, Geṓrgios; Latin: Georgius; namatay noong Abril 23, 303[5]), tinatawag ding Jorge ng Lida (George of Lydda), ay isang sundalo na may pinagmulan na Griyegong Capadociano, kasapi ng Praetorian Guard para kay emperador Diocleciano, na pinatawan ng parusang kamatayan dahil sa pagtangging itakwil ang pananampalatayang Kristiyano. Naging isa siya sa pinakamimitagang mga santo at megalomartir sa Kristiyanismo, at sadyang minamintuho siya bilang santong militar mula noong Krusada.
San Jorge | |
---|---|
Martir | |
Ipinanganak | Capadocia |
Namatay | Abril 23, 303 Nicomedia, Bithynia, Imperyong Romano[1][2] |
Benerasyon sa |
|
Pangunahing dambana |
|
Kapistahan |
|
Katangian | Nakasuot bilang isang krusado na naka-baluting lamina o malla , kalimitang may nakalarawang sibat na may krus na nakakabit sa itaas, sumasakay sa isang puting kabayo at kalimiting pumapatay ng isang dragon. Sa Silangang Giyego at Kanlurang Latin inilalarawan siyang may Krus ni San Jorge na nakapalamuti sa kaniyang baluti, o kalasag o bandera. |
Patron | Maraming umiiral na mga patronato ni San Jorge sa buong mundo |
Sa hagiograpiya (talambuhay ng mga santo), idinadakila si San Jorge, bilang isa sa Labing-apat na Banal na mga Katulong at isa sa tanyag na mga santong militar, sa alamat ng San Jorge at ang Dragon. Nakagisnang ipagdiwang ang kaniyang komemorasyon, Araw ni San Jorge, tuwing Abril 23.
Ang mga bansang Ethiopia, Inglatera, Georgia, at ang mga Awtonomong Komunidad ng Cataluña at Aragón sa Espanya, at ilan sa ibang mga bansang estado, lungsod, pamantasan, panungkulan, at samahan ay itinuturing na kanilang patron si San Jorge.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.