Remove ads
salapi sa Rusya From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang rublo ng Rusya (Ruso: рубль rublʹ; simbolo: ₽, руб; kodigo: RUB) ay ang pananalapi ng Pederasyon Rusya, ang dalawang bahagiang kinikilalang republika ng Abkhazia at Timog Ossetia at ang dalawang hindi kinikilalang Republikang Bayan ng Donetsk at Luhansk. Nahahati ang rublo sa 100 kopek (Ruso: копе́йка kopeyka, maramihan: копе́йки kopeyki).
Naging pananalapi ng Imperyong Ruso at Unyong Sobyet ang rublo (bilang rublo ng Sobyet). Bagaman, sa ngayon, tanging Rusya, Belarus at Transnistria lamang ang gumagamit ng pananalapi ng may parehong pangalan. Ang rublo ay ang unang pananalapi sa Europa na naging desimalisado, noong 1704, nang naging katumbas sa 100 kopek ang rublo.
Noong Setyembre 1993, napalitan ang rublo ng Sobyet (kodigo: SUR) ng rublo ng Rusya (kodigo: RUR) sa palitang 1 SUR = 1 RUR. Noong 1998, bago ang krisis pananalapi, naredominado ang rublo ng Rusya na may bagong kodigo na "RUB" at may palitang 1,000 RUR = 1 RUB.
Nagamit na ang rublo sa mga teritoryong Ruso simula pa noong ika-14 na dantaon.[1] Nalikha ang makabagong rublo ng Rusya noong Disyembre 1991 at ginamit na kaagapay ng rublo ng Sobyet, na natili sa sirkulasyon hanggang Seteymbre 1993. Lahat ng baryang Sobyet na nailabas sa pagitan ng 1961 at 1991, gayon din ang mga baryang as 1-, 2- at 3-kopek, na nilabas bago ang 1961, ay pormal na nanitili bilang ligal na salaping pambayad hanggang December 31, 1998, at noong 1999–2001 napapalitan ang mga ito para sa rublong Ruso sa rasyo na 1000:1.[2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.