Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Rimini ( /ˈrɪmɪni/ RIM-in-ee, Italyano: [ˈriːmini] ( pakinggan); Latin: Ariminum[3]) ay isang lungsod sa rehiyon ng Emilia-Romaña sa hilagang Italya at kabesera ng lungsod ng Lalawigan ng Rimini. Ito ay nakalatag sa kahabaan ng Dagat Adriatico, sa baybayin sa pagitan ng mga ilog Marecchia (ang sinaunang Ariminus ) at Ausa (sinaunang Aprusa). Ito ay isa sa mga pinakakilalang dalampasigang resort sa Europa na may kita mula sa parehong panloob at pandaigdigang turismo na bumubuo ng malaking bahagi ng ekonomiya ng lungsod. Malapit din ito sa San Marino, isang maliit na bansa sa loob ng Italya. Ang unang gusaling panligo ay binuksan noong 1843. Ang Rimini ay isang lungsod ng sining na may mga sinaunang Romano at Renasimyentong monumento, at ito rin ang lugar ng kapanganakan ng direktor ng pelikula na si Federico Fellini.
Rimini Rémin (Romañol) | |||
---|---|---|---|
Comune di Rimini | |||
Taas kaliwa: Tanaw ng Dagat Adriatico at tanawin ng Rimini, taas kanan: Tanaw ng Dalampasigang Rimini sa pook Lungomare, ilalim kaliwa: Templo Malatesta, Ilalim gitna: Arko ni Augusto, Ilalim itaas kanan: Teatro Rimini at Papa Pablo V sa Plaza Cavour, Ilalim baba kanan: Tulay Tiberio, mga pangunahing monumento: Tulay Tiberio at Arko ni Augusto | |||
| |||
Mga koordinado: 44°03′34″N 12°34′06″E | |||
Bansa | Italya | ||
Rehiyon | Emilia-Romaña | ||
Lalawigan | Rimini (RN) | ||
Pamahalaan | |||
• Mayor | Jamil Sadegholvaad (PD) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 135.71 km2 (52.40 milya kuwadrado) | ||
Taas | 6 m (20 tal) | ||
Populasyon (2018-01-01)[2] | |||
• Kabuuan | 149,403 | ||
• Kapal | 1,100/km2 (2,900/milya kuwadrado) | ||
Demonym | Riminese(i) | ||
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | ||
Kodigong Postal | 47921, 47922, 47923, 47924 | ||
Kodigo sa pagpihit | 0541 | ||
Santong Patron | Gaudencio ng Rimini | ||
Saint day | Oktubre 14 | ||
Websayt | Opisyal na website |
Ang lungsod ay itinatag ng mga Romano noong 268 BK. Sa buong panahon ng Romano, ang Rimini ay isang mahalagang ugnayan ng komunikasyon sa pagitan ng hilaga at timog ng tangway. Sa lupain nito, ang mga emperador ng Roma ay nagtayo ng mga monumento tulad ng Arko ni Augusto at Tulay ni Tiberio upang markahan ang simula at pagtatapos ng Decumanus ng Rimini. Sa panahon ng Renasimyento, nakinabang ang lungsod mula sa korte ng Pamilya Malatesta, na naging tahanan ng mga artista tulad ni Leonardo da Vinci at gumawa ng mga likga tulad ng Tempio Malatestiano. Ang mga pangunahing monumento sa Rimini ay ang Tulay ni Tiberio at ang Arko ni Augusto.
Noong ika-19 na siglo, ang Rimini ay isa sa mga pinakaaktibong lungsod sa rebolusyonaryong larangan, na naging tahanan ng marami sa mga kilusan na naglalayong makamit ang pag-iisang Italyano. Sa kurso ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang lungsod ay pinangyarihan ng maraming sagupaan at pambobomba, ngunit dahil din ngsaisang mabangis na paglaban ng partisano na nakakuha ito ng karangalan ng gintong medalya para sa sibikong katapangan. Sa mga nakalipas na taon ito ay naging isa sa pinakamahalagang pook para sa mga pistang pangkalakalan at mga kumperensiya sa Italya.
Noong 31 Disyembre 2019, ang urbanong pook ng Rimini ay tahanan ng 151,200 katao, na may humigit-kumulang 325,000 na nakatira sa eponimong lalawigan, na ginagawa itong ikadalawampu't walong pinakamalaking lungsod sa Italya. Ang lungsod ay matatagpuan malapit sa independiyenteng republika ng San Marino at ang karerahang Misano.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.