Prinsesa Rashidah Sa'adatul Bolkiah
prinsesa ng Brunei From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Rashidah Sa'adatul Bolkiah (Malay: Hajah Rashidah Sa'adatul Bolkiah Binti Sultan Haji Hassanal Bolkiah) ay ipinanganak noong Hulyo 26, 1969. Siya ay ang panganay na anak nina Sultan Hassanal Bolkiah at Reyna Saleha.
![]() | Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Enero 2024)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: Kailangan ayusin ang balarila at pagkakasulat. Kailangan din isalin ang mga banyagang pananalita. |
Rashidah Sa'adatul Bolkiah | |
---|---|
![]() | |
Rashidah in 2024 | |
Asawa | Pengiran Anak Abdul Rahim (k. 1996) |
Anak | Talaan
|
Buong pangalan | |
Rashidah Sa'adatul Bolkiah binti Hassanal Bolkiah Mu'izzaddin Waddaulah | |
Lalad | Bolkiah |
Ama | Sultan Hassanal Bolkiah |
Ina | Pengiran Anak Saleha |
Kapanganakan | Istana Darul Hana, Tumasek, Bandar Seri Begawan, Brunei | 26 Hulyo 1969
Pananampalataya | Sunni Islam |
Edukasyon at Buhay
Si Prinsesa Rashidah (o Rashida) ay nag-aral sa paaralang Puteri-Putera, Pang-internasyonal na Paaralan ng Jerudong at nagtapos sa Pamantasan ng Brunei Darussalam o kilala rin sa tawag na UBD, Siya ay mayroong Masterado sa Patakaran at Pampublikong Pamamahala. Nagtrabaho siya sa Kagawaran ng Serbisyong Pampubliko sa Tanggapan ng Punong Ministro noong 1994, at Kagawaran ng Kaunlaran noong 1995. [1]
Kasal at mga anak
Kasal
Ang kasal ni Prinsesa Rashidah at ng kaniyang asawa na si, Pengiran Maharaja Setia Laila Diraja Shahibul Irshad Pengiran Anak Haji 'Abdul Rahim, [2] ay naisa-publiko sa pamamagitan ng Radyo Telebisyon ng Brunei (RTB), at ang pagdiriwang ay sinundan ng programa at pilosopiyang nakabatay sa kulturang Malay, pananampalatayang Islam, at sistemang monarkiya. Ang Majlis Istiadat Bersuruh Diraja na ginanap sa Istana Nurul Iman noong 9 Agosto 1996. Bago pa man ang kasal, kumalat ang mga balita sa mga mamamayan ng Brunei. Nagsimula ang Gendang Jaga-Jaga, mga musikero na tumutugtog ng mga tradisyonal na instrumentong pangmusika, na sinundan ng pagpupugay gamit ang 21 na putok ng kanyon sa Lapau. Pagkatapos nito, isinagawa ang Menerima Tanda Diraja noong 12 Agosto. [1]
Pagkatapos noong hapon ng Agosto 13, nagsimula ang Menerima Pertunangan Diraja . Nang sumunod na araw, ang Seremonya ng Berbedak ay isinagawa din sa Omar Ali Saifuddien Mosque, pinag-isang dibdib ng Akad Nikah ang magkasintahan noong ika -15 ng Agosto. Pagkatapos ng ilang araw ng mga seremonyas, isinagawa ang Bersanding sa Throne Hall ng Istana Nurul Iman kasama ang Maharlikang Pamilya, lokal man at dayuhan na 5,000 bisita noong Agosto 18. [1] Nagbigay ng pribadong konsyerto si Whitney Houston para ipagdiwang ang kanilang kasal. [3] Ayon sa mga ulat, nakatanggap siya ng $7 milyon para sa okasyong ito. [4]
Mga anak
Sina Prinsesa Rashidah at Pengiran Anak Abdul Rahim ay may dalawang anak na lalaki at tatlong anak na babae. Ang pagkakasunud-sunod ayon sa edad ay ang mga sumusunod;
- Pengiran Anak Raheemah Sanaul Bolkiah (ipinanganak noong 28 Disyembre 1997) [5]
- Pengiran Anak Hariisah Widadul Bolqiah [6]
- Pengiran Anak Abdul Raqiib (ipinanganak noong 14 Mayo 2002) [7]
- Pengiran Anak Abdul Haseeb (ipinanganak noong 14 Enero 2006) [8]
- Pengiran Anak Raqeeqah Raayatul Bolqiah (ipinanganak noong Disyembre 16, 2009) [9]
Personal na interes
Mahilig maglaro ng badminton at bowling si Prinsesa Rashidah. [1]
Siya ang kasalukuyang Pangulo ng Samahan ng mga Batang Gabay ng Brunei (Girl Guides Association ng Brunei Darussalam /PPPBD). [10] Sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Pagninilay (World Thinking Day 2014), binanggit niya ang pagpapabuti ng antas ng edukasyon ng mga miyembro ng PPPBD na nag-aaral pa, at upang mapahusay ang kanilang kakayahan na magpatuloy sa mas mataas na edukasyon. [11]
Karangalan

Mga pangalan
- Pengiran Anak Puteri Hajah Rashidah Sa'adatul Bolkiah Secondary School, isang sekondaryang paaralan ng pamahalaan sa Lumut .
- Pengiran Anak Puteri Rashidah Sa'adatul Bolkiah Religious School, isang relihiyosong paaralan sa Seria.
- Pengiran Anak Puteri Rashidah Sa'adatul Bolkiah Institute of Health Sciences, isang institusyong pangkalusugan sa Pamantasan ng Brunei Darussalam. [12]
- Pengiran Anak Puteri Rashidah Sa'adatul Bolkiah Health Center, isang Sentro ng Pangkalusugan sa Sungai Asam, Lumapas. [13]
- Rashidah Sa'adatul Bolkiah Mosque, isang mosque sa Sungai Akar, Bandar Seri Begawan. [14]
- Princess Rashidah Young Nature Scientist Award (PRYNSA), isang prestihiyosong programa para sa mataas na antas ng kamalayan. [15]
Karangalan
Pambansa
Dayuhan
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.