From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Portugal, o opisyal na tinatawag na Republikang Portuges (República Portuguesa [ʁɛˈpuβlikɐ puɾtuˈɣezɐ]), ay bansang matatagpuan sa timog-kanlurang Europa sa Tangway ng Iberia. Pinaka-kanluraning[9] bansa sa Europa ang Portugal, at natatabihan ng Karagatang Atlantiko sa kanluran at timog, at ng Espanya sa hilaga at silangan. Bahagi ng Portugal ang Atlantikong kapuluan ng Azores at Madeira na kapwang awtonomong rehiyon na may kanilang sariling mga pamahalaang rehiyonal.
Republikang Portuges República Portuguesa[note 1]
| |
---|---|
Kabisera | Lisbon |
Pinakamalaking lungsod | capital |
Wikang opisyal | Portuges |
Kinilalang wikang panrehiyon | Mirandes[a] |
Pangkat-etniko (2011) |
|
Katawagan | Portuges |
Pamahalaan | Unitary semi-presidential republic |
• Pangulo | Marcelo Rebelo de Sousa |
• Pangulo ng Pagpupulong | Eduardo Ferro Rodrigues |
• Punong Ministro | António Costa |
Lehislatura | Pagpupulong ng Republika |
Pagbuo | |
• Pagkatatag | 868 |
• Re-founding | 1095 |
• Sovereignty | 24 Hunyo 1128 |
• Kaharian | 26 Hulyo 1139 |
• Recognition | 5 Oktubre 1143 |
• Papal Recognition | 23 Mayo 1179 |
• Restoration | 1 Disyembre 1640 |
• Republika | 5 Oktubre 1910 |
• Democratization | 25 Abril 1974 |
25 Abril 1976 | |
• EEC Accession | 1 Enero 1986 |
Lawak | |
• Kabuuan | 92,212[1] km2 (35,603 mi kuw) (ika-111) |
• Katubigan (%) | 0.5 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2015 | 10,341,330[2] (ika-83) |
• Senso ng 2011 | 10,562,178[3] |
• Densidad | 115/km2 (297.8/mi kuw) (ika-97) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2016 |
• Kabuuan | $296 bilyon[4] (ika-50) |
• Bawat kapita | $28,476[4] (ika-40) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2016 |
• Kabuuan | $204.186 bilyon[4] (ika-43) |
• Bawat kapita | $19,611[4] (ika-36) |
Gini (2013) | 34.2[5] katamtaman |
TKP (2014) | 0.830[6] napakataas · ika-43 |
Salapi | Euro (€)[c] (EUR) |
Sona ng oras | UTC−1 (WET (UTC) AZOT) |
WEST (UTC+1) AZOST | |
Note: Mainland Portugal and Madeira use WET/WEST, the Azores use AZOT/AZOST | |
Kabilang-sulok | New Zealand at Karagatang Pasipiko |
Ayos ng petsa | aa/bb/tttt |
Gilid ng pagmamaneho | kanan |
Kodigong pantelepono | +351 |
Kodigo sa ISO 3166 | PT |
Internet TLD | .pt |
|
Ang Portugual ay ang pinakamatandang estado sa Tangway ng Iberia at isa sa mga pinakamatanda sa Europe na patuloy na pinagtirahan, pinagsakupan, at pinaglabanan mula noong sinaunang panahon. Sumunod sa mga tauhang dipa-Selta, Selta, Cartagineses, at Romano ang mga pagsasalakay ng mga Hermanikong Visigodo at Suebi. Itinatag ang Portugal bilang bansa noong Kristiyanong Reconquista laban sa mga Morong nanghimasok sa Tangway ng Iberia noong 711 PK. Itinatag noong 868, sumikat ang Kondehan ng Portugal pagkatapos ng Laban sa São Mamede noong 1128. Ipinroklama ang Kaharian ng Portugal pagkasunod sa Labanan sa Ourique noong 1139, at kinilala ang kalayaan mula sa León ng Tratado ni Zamora noong 1143.[10]
Galing ang salitang Portugal sa Gitnang Latin na Portyngale, mula sa dantaong 1300. "Daungang Gaya" (Portus Cale, ngayong Oporto) ang ibig sabihin nito. Galing ang unang hari ng Portugal sa Portucale, ang Kondeng si Alfonso.[11]
Ang Portugal ay isang bansang may-kaunlaran[12] at nagtataglay ng ika-19 pinakamataas na ginhawa sa buhay, ayon sa The Economist Intelligence Unit. Ito ay ang ika-13 na mapayapa at ikawalong pinaka-globalized na bansa sa daigdig. Ito ay kasapi ng Unyong Europeo at ng Mga Nagkakaisang Bansa. Ito rin ay isang estadong Schengen.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.