Si Papa Víctor I ang Obispo ng Roma mula 189 CE hanggang 199 CE. Ayon sa Vatikano, ito ay mula 186 CE o 189 hanggang 197 o 201 CE.[1] Siya ang unang obispo ng Roma na ipinanganak sa probinsiyang Romano ng Aprika. Malamang na siya ay ipinanganak sa Leptis Magna (o Tripolitania). Siya ay kalaunang kinanonisa at ang kanyang pista ay pinagdiriwang sa Simbahang Katoliko Romano tuwing Hulyo 28 bilang "San Victor I, Papa at Martir". [2] Bago ang kanyang pagluklok sa episkopasiyang Romano, ang isang pagkakaiba sa pagpepetsa ng pagdiriwang ng Pascha(easter) sa pagitan ng Roma at mga obispo ng Asya menor ay pinayagan ng parehong mga simbahan sa Roma at silangan. Ipinagdiriwang ito ng mga simbahan sa Asya menor tuwing ika-14 ng buwang Nisan ng mga Hudyo na araw bago ang paskuwa ng mga Hudyo nang hindi isinasaalang kung anong araw ng linggo it mahulog dahil ang pagpapako ni Hesus ay nangyari sa Biyernes bago ang paskuwa. Tinawag ang mga ito ng Latin na Mga Quartodeciman. Ipinagdiriwan ng Roma at Kanluran ang Pascha tuwing linggo kasunod ng ika-14 ng Nisan. Si Victor I ay naaalala sa kanyang malaking pagkabahala na kanyang ipinakita para sa kaayusan ng simbahan sa pamamagitan ng pagputol ng mga kaugnayan sa mga obispong gaya nina Polycrates ng Efeso na sumalungat sa kanyang mga pananaw tungkol sa Pascha.[3] Siya ay kumalas rin kay Theodotus ng Byzantium dahil sa mga paniniwala nito tungkol kay Kristo.[4]

Agarang impormasyon Nagsimula ang pagka-Papa, Nagtapos ang pagka-Papa ...
Papa San Víctor I
Thumb
Nagsimula ang pagka-Papa189
Nagtapos ang pagka-Papa199
HinalinhanEleuterio
KahaliliCeferino
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanVictor
Kapanganakandate unknown
Roman Africa
Yumao199
Rome, Roman Empire
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Victor
Isara

Hanggang sa panahon ni Victor, ang Roma ay nagdiriwang ng misa sa Griyego. Binago ni Victor ang wika nito sa Latin na ginagamit sa kanyang katutubong Hilagang Aprikano. Ayon kay Jeronimo, siya ang unang may akdang Kristiyano na sumulat tungkol sa teolohiya sa wikang Latin. Gayunpaman, ang mga misang Latin ay hindi naging pangkalahatan hanggang sa huli ng ika-4 na siglo CE.[5]

May ilang nagmumungkahi na siya ang unang itim na Aprikanong papa ng Simbahang Katoliko Romano.[6]

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.