Placozoa
phylum o kalapian ng mga hayop From Wikipedia, the free encyclopedia
phylum o kalapian ng mga hayop From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Placozoa ay isang phylum o kalapian ng mga imbertebrado na maliliit at naninirahan sa dagat. Payak ang kanilang mga katawan kumpara sa ibang mga hayop.[1][2][3][4] Unang natuklasan ang phylum na ito nang matuklasan ang espesyeng Trichoplax adhaerens ng soologong Aleman na si Franz Eilhard Schulze noong ika-19 na siglo, at unang nailarawan niya ito noong 1883.[5] Ang ngalang Placozoa ay ipinangalan ni Karl Gottlieb Grell noong 1971.[6] Nailarawan din ang ibang mga espesye simula noong 2017; ang Hoilungia hongkongensis,[3] at ang Polyplacotoma mediterranea.[7]
Placozoa | |
---|---|
Trichoplax adhaerens | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | Placozoa Grell, 1971 |
Malililit ang mga Placozoa; halos 1–3 mm ang sukat ng mga Trichoplax adhaerens. Patag ang katawan ng mga hayop na ito.[2][3][8] Ginagamit nila ang mga cilia na mayroon sila upang gumalaw.[9]
Mas madalas ang reproduksiyong aseksuwal sa mga Placozoa, na nagaganap sa pamamagitan ng dalawahang paghahati o binary fission, at ng budding.[9] Iniulat din ng ilang mga siyentipiko ang reproduksiyong seksuwal sa isang klado o pangkat ng mga Placozoa.[10]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.