Pikolo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pikolo[1] o piccolo ay isang uri ng paputok na nasa anyo ng isang manipis na maliit na silindrikong patpat na pinunan ng pulbura at sinisindihan tulad ng pagsindi ng posporo.
Legalidad
Sa Pilipinas, sanhi ito ng mga pinsala lalo na sa mga bata dahil sa maagang pagksiklab o aksidenteng pagkalunon.[2][3][4] Ang Kagawaran ng Kalusugan kasama ang Kawanihan ng Pamatay-Sunog at mga lokal na ahensiya ng pamahalaan ay naglunsad ng mga hakbang para gawing ilegal ang pagbenta at pag-angkat ng mga piccolo.[5] May mga huwad at pinalitan ng tatak ang mga binebentang piccolo sa mga tindahan at sa mga pamilihan tulad ng sa Divisoria. Karamihan sa mga nasabing binebenta ay may tatak na "Made in Bulacan" (Gawa sa Bulacan) at may mga tagubilin sa Tagalog para hindi pagkamalang inangkat at subukang maiwasan ang pagkahuli ng mga awtoridad.[6]
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.