ika-tatlo nanalong kandidato ng Pilipinas sa Miss Universe From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Pia Angela Alonzo Wurtzbach[2] (Ipinanganak noong Setyembre 24, 1989), na nakilala noon bilang Pia Romero, ay isang Pilipina-Aleman na artista, modelo at beauty pageant titleholder na nanalo sa Binibining Pilipinas 2015 bilang Miss Universe Philippines 2015 at itinanghal na Miss Universe 2015 na ginanap sa Las Vegas, Nevada, Estados Unidos noong Disyembre 20, 2015.[3]
Pia Alonzo Wurtzbach | |
---|---|
Kapanganakan | Pia Angela Alonzo Wurtzbach 24 Setyembre 1989 |
Ibang pangalan | Pia Romero, Pia Wurtzbach, Pia Alonzo Wurtzbach |
Trabaho | Beauty queen, aktres, modelo |
Aktibong taon | 1994–kasalukuyan |
Tangkad | 5 talampakan 8 in (1.73 m)[1] |
Titulo | Miss Universe Philippines 2015 Miss Universe 2015 |
Asawa | Jeremy Jauncey (k. 2023) |
Beauty pageant titleholder | |
Hair color | Brown |
Eye color | Brown |
Major competition(s) | Binibining Pilipinas 2013 (1st Runner-up) Binibining Pilipinas 2014 (Top 15) Binibining Pilipinas 2015 (Nanalo– Miss Universe Philippines 2015) Miss Universe 2015 (Nanalo) |
Ipinanganak si Wurtzbach noong Setyembre 24, 1989 sa Stuttgart, Baden-Württemberg sa Alemanya sa mga magulang na sina Klaus Uwe Wurtzbach, isang Aleman, at si Cheryl Alonzo Tyndall, isang retiradong Pilipinang nars na nakabase sa Londres. Siya ay may isang kapatid na babae na tatlong taon na mas bata kaysa sa kanya. Nagtapos siya ng kanyang sekondarya sa ABS-CBN Distance Learning School sa Maynila at nag-aral sa Culinary Arts at Center for Asian Culinary Studies sa San Juan.
Si Pia Wurtzbach ay nagtrabaho bilang isang modelo sa cosmetics. Sa gulang na 11, sa ilalim ng pangalang Pia Romero, nagtrabaho siya bilang isang aktres at ang pinamahalaan ng ABS-CBN sa theatrical ahensiya na tinatawag na Star Magic. Kabilang sa kanyang mga television credits ay ang teen-oriented serye na K2BU, ang iba't-ibang programang konsert na ASAP, ang antolohiyang romansa na Your Song, ang sitcom show Bora, at ang drama seryeng Sa Piling Mo. Siya ay lumitaw rin sa pelikula tulad ng Kung Ako Na Lang Sana (2003), All My Life (2004), at All About Love (2006). Sa kasalukuyan, siya ay isang stylist at beauty writer para sa Philippine Daily Inquirer sa seksyon sa 2bu.
Nakamit ni Wurtzbach ang titulo bilang Miss Universe Philippines 2015 sa Binibining Pilipinas 2015 sa kanyang ikatlong beses na pagsali sa patimpalak. Nalipat sa kanya ang korona matapos ang Miss Universe Philippines 2014 na si Mary Jean Lastimosa.
Si Pia Wurtzbach ang kinoronahan bilang Miss Universe 2015 noong Disyembre 20, 2015 sa Las Vegas, Nevada, Estados Unidos. Ito ay pagkatapos ng kontrobersyal na maling pag-anunsyo ng host na si Steve Harvey sa resulta ng nanalo. Naunang nasabi ni Harvey na ang nanalo ay si Ariadna Gutiérrez ng Kolombia, ngunit ito ay binawi niya matapos ang ilang minuto at si Pia pala ang tunay na nanalo sa patimpalak. Si Pia Wurtzbach ang ikatlong nag-uwi ng korona ng Miss Universe sa Pilipinas na tumapos sa 42 taong paghihintay matapos ang pagkapanalo ni Margarita Moran noong 1973.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.