From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pasaporte ay isang dokumentong panlakbay na ipinagkaloob ng isang pamahalaang pambansa na karaniwan ay nagpapakilala sa pinagkalooban bilang isang mamamayan o nasyonal ng bansang nagpakaloob at humihiling na pahintulutan ang pinagkalooban na pumasok at dumaan sa pagitan ng mga ibang bansa. Nagmula ang salitang pasaporte sa dalawang mga salitang Pranses, na may kahulugang dumaan [sa] (pasa) at daungan (puwerto).[1]
Konektado ang mga pasaporte sa karapatan ng proteksiyong legal sa ibang bansa at sa karapatang pumasok sa bansa ng nasyonalidad ng pinagkalooban. Karaniwang nilalaman ng pasaporte ang larawan ng pinagkalooban, ang lagda nito, ang araw ng kapanganakan, nasyonalidad, at minsan ang iba pang paraan ng pansariling pagkilala. Maraming bansa ngayon ay nasa proseso ng pag-unlad ng mga katangiang biometriko para sa kanilang mga pasaporte upang patuluyang pagtibayin na ang taong naglalahad ng pasaporte ay ang lehitimong pinagkalooban nito.
Mayroong mga uri ng mga pasaporte. Kabilang dito ang pasaporteng diplomatiko, pasaporteng opisyal, at pasaporteng regular. Ibinibigay ang pasaporteng diplomatiko para sa mga taong naglalakbay upang magsagawa ng misyong diplomatiko para sa isang pamahalaan ng bansa. Ang opisyal na pasaporte naman ay para sa mga taong naglalakbay upang magsagawa ng opisyal na tungkulin para sa pamahalaan ng isang bansa. At para naman sa iba pang uri ng pagbibiyahe ang regular na pasaporte.[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.