karaniwang pangalan para sa mga insekto ng order na Lepidoptera From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang paruparo o paparo[1] (tinatawag din minsang mariposa na mula sa Wikang Kastila) ay isang lumilipad na insekto sa orden na Lepidoptera, at kabilang sa superpamilya Hesperioidea o Papilionoidea. Ibinibilang din ng ibang mga may-akda ang mga kasapi sa superpamilya Hedyloidea. Kung minsan, tinatawag ding paruparo ang ilang mga gamu-gamo na may magagandang pakpak.[1]
Paruparo o Paru-paro | |
---|---|
Papilio machaon | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Arthropoda |
Hati: | Insecta |
Orden: | Lepidoptera |
Suborden: | Rhopalocera |
Subgroups | |
|
Ang paruparo ay isang uri ng insekto. Sila ay naninirahan sa mga "maiinit" na rehiyon ng mundo. Sila ay may dalawang pares ng pakpak na ginagamit sa paglipad. Ang kanilang mga pakpak ay makukulay at magaganda. Ginagamit ng mga paruparo ang kanilang makukulay na pakpak bilang panakot sa mga kaaway. Nagmumula sa maliliit na itlog ang mga higad o batang paruparo. Kadalasang kinakain ng mga higad ang dahon na kinalalagyan ng mga itlog. Pagkatapos ng ilang araw, binabalot nila ang sarili upang maging isang pupa o chrysalis. Lalabas sa pinagbalutan ang paruparo na may mga malalapad at makukulay na pakpak.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.