From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang parietal na lobo (Ingles: parietal lobe) ang bahagi ng utak na nakaposisyon sa itaas(superior) sa lobong oksipital at likod(posterior) sa harapang lobo. Ang parietal na lobo ay nagsasama ng mga pandamang impormasyon mula sa iba't ibang pandamang modalidad partikular ang pagtukoy sa pandamang pang-espasyo at nabigasyon. Halimbawa, ito ay binubo ng somatosensoryang korteks at dorsal stream ng sistemang biswal(paningin). Ito ay nagbibigay ng kakayahan sa mga rehiyon ng parietal korteks upang imapa ang mga bagay na natanto sa mga posisyong koordinado ng katawan.
Utak: Mga lobong parietal | ||
---|---|---|
Principal fissures and lobes of the cerebrum viewed laterally. (Parietal Lobe is shown in yellow) | ||
Lateral surface of left cerebral hemisphere, viewed from the side. (Parietal Lobe is shown in orange.) | ||
Latin | lobus parietalis | |
Gray's | subject #189 822 | |
Part of | Cerebrum | |
Artery | Anterior cerebral Middle cerebral | |
Vein | Superior sagittal sinus | |
NeuroNames | hier-77 | |
MeSH | Parietal+Lobe | |
NeuroLex ID | birnlex_1148 |
Ang parietal na lobo ay inilalarawan ng tatlong mga hangganang anatomika: ang sentral na sulcus ay humihiwalay sa parietal na lobo mula sa harapang lobo; ang parieto-occipital sulcus ay humihiwalay sa parietal at lobong oksipital; ang lateral sulcus (biyak na sylvian) ang pinaka lateral na hangganang humihiwalay dito mula sa temporal na lobo; at ang biyak na medial longhitudinal na humahati sa dalawang hemisperong serebral.
Ang agad na posterial sa sentral na sulcus at ang pinaka anterior na bahagi ng parietal na lobo ang postsentral na gyrus (Brodmann area 3), ang pangalawang somatosensoryang kortikal na area. Ang humhati dito at sa posterior parietal na korteks ang postsentral na sulcus.
Ang posterior parietal na korteks ay maaari pang hatiin sa superior parietal lobula (Brodmann areas 5 + 7) at inperyor parietal lobula (39 + 40), na hinihiwalay ng intraparietal sulcus (IPS). Ang intraparietal sulcus at katabing gyri ay mahalaga sa paggabay ng mga biyas at paggalaw ng mata at base sa cytoarchitectural at pangtungkuling mga pagkakaiba ay karagdagan pang mahahati sa medial (MIP), lateral (LIP), ventral (VIP), ayanterior (AIP) na mga area.
Ang parietal na lobo ay gugampan ng mahalagang mga papel sa pagsasama ng mga pandamang impormasyon mula sa iba't ibang bahagi ng katawan, kaalaman sa mga bilang at mga ugnayan nito[1] at sa pagmamanipula ng mga bagay. Ang mga bahagi ng parietal na lobo ay sangkot sa pagpoprosesong visuospasyal. Bagaman sa kalikasan nito ay isang pandamang pangmaramihan, posterior parietal cortex ay kalimitang tinutukoy ng mga siyentipiko ng paningin bilang dorsal stream ng bisyon(na kabaligtaran ng bentral stream sa temporal na lobo). Ang dorsal stream na ito ay parehong tinawag na 'saan' na stream(gaya ng sa pang-espasyong paningin)[2] at ang 'paanong' stream(gaya ng sa pangingin para sa aksiyon).[3] Ang posterior parietal cortex (PPC) ay tumatanggap ng somatosensorya at/o mga input biswal(paninging) na sa pamamagitan naman ng mga hudyat na motor ay kumokontrol sa paggalaw ng braso, kamay gayundin sa mga paggalaw ng mata.[4]
Ang iba't ibang pag-aaral noong mga 1990 ay natuklasan ang iba't ibang mga rehiyon ng posterior parietal cortex sa Macaque ay kumakatawan sa iba't ibang mga bahagi ng espasyo.
Ang mas kamakailang mga pag-aaral ng fMRI ay nagpakitang ang mga tao ay may parehong mga gumaganang rehiyon sa at sa palibot ng intraparietal sulcus at parietal-occipital junction.[13] Ang 'parietal fields ng mata' at 'parietal na inaabot na rehiyon', na katumnbas ng LIP at MIP sa unggoy ay lumalabas na isinaayos sa isang nakasentro sa titig na mga koordinador upang mga gawaing umuugnay sa layunin ay muling imamapa kung ang mga mata ay gumalaw.[14] Ang parehong kaliwa at kanang mga sistemang parietal ay gumagampan ng tumutukoy na tungkulin satransedensiyang pansarili na isang katangian ng personalidad na sumusukat sa predisposisyon(pagkagawi) sa spiritwalidad.
Ang lobong ito ay nahahati sa dalawang mga hemisperong serebral - kaliwa at kanan. Ang kaliwang hemispero ay gumagampan ng mas lutang na tungkulin sa mga dominante ang paggamit ng kanang kamay at sangkot sa mga tungkuling simboliko sa wika at matematika. Ang kanang hemispero naman ay gumagampan ng mas lutang na tungkulin sa karamihan ng mga indibidwal na dominante ang paggamit ng kaliwang kamay at ito ay naging espesyal upang magsagawa ng mga larawan at pagkaunawa ng mga mapa(i.e. mga ugnayang espasyal). Ang pinsala sa kaliwang hemispero ng lobong ito ay nagreresulta sa kawalang ng paglalarawan(imagery), biswalisasyon(pagbuo ng larawang pang-isip) ng mga ugnayang espasyal at ang kapabayaan ng espasyong kaliwang panig at kaliwang panig ng katawan. Kahit ang pagguhit ay maaaring mapabayaan sa kaliwang panig. Ang pinsala sa kaliwang hemispero ng lobong ito ay nagreresulta naman sa mga problema sa matematika, matagal na pagbabasa, pagsulat at pag-unawa ng mga simbolo. Ang parietal asosiasyong cortex ay nagbibigay ng kakayahan sa mga indibidwal na makabasa, makasulat at makalutas ng mga problemang matematika. Ang mga pandamang input mula sa kanang panig ng katawan ay pumupunta sa kaliwang panig ng utak at vice-versa.
Ang Sindroma ni Gerstmann ay kaugnay ng lesyon sa dominanteng(na karaniwang ay kaliwang) parietal na lobo.[15] Ang Sindromang ni Balint ay kaugnayan ng mga bilateral na lesyon. Ang sindroma ng kapabayaang hemiespasyal ay karaniwang nauugnay sa malaking mga kakulangan ng atensiyon sa hindi-dominante hemispero. Ang optikong ataxia ay kaugnay ng kahirapan sa pagtungo sa mga bagay sa field na biswal sa kabilang panig ng pinsalang parietal. Ang ilang mga aspeto ng optikong ataxia ay naipaliwanag sa mga termino ng pantungkuling organisasyon na inilalarawan sa itaas.[16]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.