Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pamilihang Sapi ng Pilipinas o Philippine Stock Exchange (PSE) ay ang pangunahing pamilihan ng sapi sa Pilipinas. Bukod pa rito, bilang isa sa mga pinakamahalagang pamilihang sapi sa Timog-Silangang Asya, ito ay ang kauna-unahan at pinakamatagal sa pagpapatakbo nito mula't sapul noong 1927. Ito rin ay isang organisasyon pansarili na nagbibigay at tinitiyak ang isang patas, mabisa, malinaw at matalatag na pamilihan ukol sa pagbili at pagbenta ng mga paseguro.[1]
Sa kasalukuyan, ang PSE ay may dalawang mga palapag pangkalakalan, isa ay nasa Distrito Sentral ng Negosyo sa Lungsod ng Makati at ang isa ay nasa himpilan sa Lungsod ng Pasig.
Binuo ang Pamilihang Sapi ng Pilipinas mula sa dalawang pamilihang sapi na pinagsama noong 23 Disyembre 1992, ang Pamilihang Sapi ng Maynila (Manila Stock Exchange, MSE) na itinatag noong 8 Agosto 1927 at ang Pamilihang Sapi ng Makati (Makati Stock Exchange, MkSE) na itinatag noong 27 Mayo 1963.
Bagama't ang MSE at MkSE ay nakapagkalakal ng mga magkatulad na sapi ng mga magkatulad na kompanya, ang mga bursa ay magkahiwalay sa mga pamilihang sapi sa loob ng halos 30 taon hanggang 23 Disyembre 1992, kung kailan pinagsama ang mga dalawang pamilihang sapi sa kasalukuyang Pamilihang Sapi ng Pilipinas.
Noong Hunyo 1998, ipinagkaloob ng Komisyon ng Paseguro at Palitan sa PSE ang katayuang "Organisasyon na may Sariling Tasahan" (SRO), ibig sabihin maisasakatuparan ng bursa ang mga patakaran at makapagpataw ng mga parusa sa mga nagkasalang ahente ng sapi, mga mangangalakal, at mga kompanya.
Noong 2001, isang taon pagkatapos ang pagsasabatas ng Kodigo ng Alintuntunin ng Paseguro, ang PSE ay muling itinatag mula sa di-kumikita, di-naglalagom, pinamahalang pangkasaping organisasyon sa baguhang korporasyon na kumikita sa rentas na pinamunuan ng pangulo at ng lupon ng mga tagapangasiwa. Sa kasalukuyan, ang PSE ay nagtatala ng mga sapi sa pamilihan (nakakalakal na may palatandaang PSE[patay na link]) at nakipagsapalaran sa mga bagong larangan tulad ng mga pasegurong pautang. Sa simula pa lamang ng muling-pagkatatag, dumating ang paghihiwalay ng pagmamay-ari ng Palitan at karapatan sa pangangalakal, at nagbubukas ng mga pintuan para sa mga sumasali ng pamilihan.[1] Noong 15 Disyembre 2003, ang mga sapi ng PSE ay nakatala sa pamamagitan ng paraan ng pagpapakilala.
Bago dumating ang kalagitnaan ng dekada 90, ang PSE ay nakapagpapaalala ng ibang panambitan ng mga pamilihang sapi na matatagpuan sa lahat ng panig Timog-Silangang Asya bago ang mga kagalingang panteknolohiya na lumaganap sa panahon ng huling dekada.
Noong 4 Enero 1993, nagsimula ng dating Pamilihang Sapi ng Maynila ang kompyuterisasyon ng operasyon sa pamamagitan Sistemang Pangkalakalan ng Stratus (STS) kasama ang kompanyang Intelligent Wave Pilipinas. Noong Hunyo 15 ng sumunod na taon, kinupkop ng dating Pamilihang Sapi ng Makati ang Sistemang Pangkalakalan ng MakTrade, ang magkatulad na sistema na ginagamit ng Pamilihang Sapi ng Thailand (SET) at pinaunlaran ng Pamilihang Sapi ng Chicago. Ang mga kapwa sistema ay ikinawing noong 25 Marso 1994, na nakapagdulot ng isang pangkat ng pagbubukas at pagsasara ng mga halaga ng sapi, ngunit ang mga ayos ay nahanay sa dalawang magkaibang aklat. Pagkatapos ng dalawang taon, noong 13 Nobyembre 1995, pinagsama ang mga kapwa sistema nang kupkupin ng PSE ang "Pinagkaisahan ng Sistemang Pangkalakalan" (UTS) na isinasagawa ng sistemang MakTrade.
Nang isinimula ng PSE ang tanikalang pangkalakal noong 15 Enero 2001, binago ang sistema upang mapahintulutan ang mga ahente ng sapi na magkalakal ng mga tanikala sa katulad na himpilan. At saka, ang Sistemang Hangganan ng PSE-RoSS, isang sistema na nagpapahintulutan sa mga ahente ng sapi upang makatungo sa Rehistro ng Di-nakasulat na Paseguro ng Kawanihan ng Ingatang-yaman ng Pilipinas (BTr-RoSS), ay ginawa hinggil sa operasyon sa araw na rin iyon.
Ang mga kompanya ay nakatala sa PSE sa Unang Lupon, Ikalawang Lupon o Lupon ng mga Maliliit na Negosyo.
Ang PSE ay nahahati sa walong talatuntunan batay sa pangunahing pinagkunan ng rentas ng kompanya. Ito ay mga:
Ang bagong kauriang sistema ay nagkaroon ng bisa noong 2 Enero 2006, ang unang araw ng pangangalakal ng 2006. Ang mga ibang talatuntunan, tulad ng PHISIX, ay nananatili, samantala ang mga iba ay pinagsama o binuwag.
Ang PSE ay dati nang nahati sa walong talatuntunan (magkaiba mula sa kasalukuyang kaurian) batay sa kanilang kaurian ng sektor pang-industriya nang nagsampa ng mga kompanya ang kanilang artikulo ng korporasyon. Ito'y mga:
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.