From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pambansang Unibersidad ng San Marcos (Kastila: Universidad Nacional Mayor de San Marcos, UNMSM; Ingles: National University of San Marcos) ay ang pinakamahalagang institutusyon sa mas mataas na edukasyon sa Peru. Ito ay paulit-ulit na niraranggo na kabilang sa dalawang nangungunang unibersidad sa bansa.[1][2][3][4][5][6] Ang pangunahing kampus, ang University City, ay matatagpuan sa Lima. Ito ay binigyan ng tsarter noong 12 Mayo 1551, sa pamamagitan ng isang maharlikang atas ni Carlos V, Banal na Emperador Romano, na siyang dahilan kaya't ito ang pinakamatandang unibersidad sa Kaamerikahan ayon sa opisyal na pagkakatatag at, isa sa mga pinakamatandang unibersidad sa mundo.[7] Ang San Marcos ay may 60 akademiko-propesyonal na mga paaralan,[8] na organisado sa 20 fakultad, at 6 akademikong erya. Ang lahat ng mga fakultad ay nag-aalok ng mga digri sa antas undergraduate at gradwado. Ang student body ay binubuo ng higit sa 30,000 undergraduate at 4,000 graduate students mula sa loob ng bansa, pati na rin ang ilang mga mag-aaral mula sa labas. Ang unibersidad ay may mga pampublikong institusyon sa ilalim ng pamamahala nito tulad ng San Marcos Cultural Center at Museum of Natural History of Lima.
Ang prestihiyo ng San Marcos sa Amerikang Latino ay buhat sa mga kilalang guro at alumni nito. Ito ang tanging unibersidad sa Peru na may isang Nobel Prize winner na alumni: Mario Vargas Llosa (Panitikan).
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.