From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pambabaing Condom ay isang aparato na ginagamit tuwing nakikipagtalik ang babae bilang isang contraceptive at upang mabawasan ang tsansa ng pagkakaroon ng sexually transmitted infections (STIs - tulad ng gonorrhea, syphilis, at HIV) at hindi inaasahang pagbubuntis. Inimbento ng isang Danish MD na si Lasse Hessel, ang pambabaing condom ay isinusuot ng receptive partner at nagsisilbing tagaharang sa semilya ng lalaki upang hindi umabot sa itlog ng babae. Maaari ring gamitin ang pambabaing condom sa anal sex.[1][2]
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. |
Ang pambabaing condom ay manipis, malambot, at maluwang na pambalot na mayroong flexible rings sa bawat dulo. Ang mas maliit na ring sa saradong dulo ay ginagamit upang mas madaling maipasok ang condom sa loob ng vagina at upang hindi matanggal ang condom habang nagtatalik. Ang ring sa bukas na dulo ay nananatili sa labas ng vagina habang tinatakpan ang external genitalia.
Ang pambabaing condom na FC1 ay gawa sa polyurethane. Ang ikalawang bersyon, ang FC2, ay gawa mula sa synthetic nitrile.[3] Ang bagong nitrile condom ay hindi gaano gumagawa ng ingay habang ginagamit sa pakikipagtalik. Ang FC2 ay ginawa upang palitan ang FC1, nagdudulot ng parehas na safety at efficacy sa mas mababang presyo. Ang FC2 ay gawa ng The Female Health Company. Ang FC2 ang tanging produktong nasa ilalim ng pamamahala ng babae na pinahihintulutan ng U.S Food and Drug Administration (FDA). Ang World Health Organization (WHO) ay pinahintulutang ibenta ang FC2 ng mga U.N. Agencies at ang UNFPA ay isinama na ang pambabaing condom sa kanilang national programming.[4] Ang pambabaing condom ay ibinibenta sa ilalim ng maraming brand names, gaya ng Reality, Femidom, Dominique, Femy, Myfemy, Protectiv and Care.
May bagong klase ng pambabaing condom ngayon na gawa sa natural na latex, parehas sa ginagamit sa paggawa ng panlalaking condom. Ang nasabing bersyon ng condom ayhindi gumagawa ng ingay kapag ginamit habang nakikipagtalik. Ang condom na ito ay ginagawa ng Medtech Products Ltd, India. Ibinibenta ang nasabing condom sa ilalim ng maraming brand names, gaya ng Reddy, V Amour, L'amour, VA WOW Feminine condom, and Sutra. Isa pang clinical trial ang kinakailangan upang makunsiderang bigyan ng pag-sangayon ng FDA ang nasabing condom sa United States.[5]
Ang grupong Program for Appropriate Technology in Health (PATH) ay gumawa rin ng pambabaing condom na tailored-fit para sa mga umuunlad na bansa. Ang Woman's Condom ay ginawa ng Shanghai Dahua Medical Apparatus sa China at kasalukuyang sumasailalim ng clinical testing.[6]
Ang presyo ng pambabaing condom ay mas mahal sa panlalaking condom ngunit may mga ebidensiyang nagsasabing ang pambabaing condom na gawa sa polyurethane ay maaaring hugasan, i-disinfect, at muling gamitin.
Ang paggamit ng gamit nang pambabaing condom ay hindi kasing ligtas ng paggamit ng bagong pambabaing condom, ngunit sabi ng WHO, "Batches of new, unused female condoms were subjected to seven cycles of disinfection, washing, drying and re-lubrication, reflecting the steps and procedures in the draft protocol, but at considerably higher concentrations of bleach and for longer durations. All female condom batches met the manufacturing quality assessment specifications for structural integrity after the test cycles. ... Disinfection, washing, drying, re-lubrication and reuse of the device were not associated with penile discharge, symptomatic vaginal irritation or adverse colposcopic findings in study volunteers."[7] Isang presentasyon sa 1998 International AIDS Conference ang nagsabing "washing, drying and re-lubricating the female condom up to ten times does not significantly alter the structural integrity of the device. Further microbiological and virological tests are required before re-use of the female condom can be recommended."[8]
May mga pagsasaliksik na nagsasabing ang FC2 ay isang cost-effective na paraan upang labanan ang HIV kahit na hindi palaging ginagamit. Ipinapakita ng mga datos na ang cost-effectiveness ay lalong tumataas kapag dinalasan ang paggamit. Ang pag-aaral noong 2005 ni Dr. David Holtgrave, Direktor ng the Department of Health, Behavior and Society sa Johns Hopkins University's Bloomberg School of Public Health, ay tiningnan ang projected impact sa public health ng paggamit ng FC2 sa iba't-ibang lebel sa dalawang umuunlad na mga bansa: South Africa at Brazil. Lumabas sa pag-aaral na makakatipid sa pamamagitan ng mas mababang bilang ng HIV infections at ang hindi paggastos ng para sa health care costs kkung gagamit ng FC2.[9]
Kagaya ng ibang barrier contraceptives, ang tubig o silicone-based ng pampadulas ay ligtas gamitin kasabay ang pambabaing condom. Ang mantika ay sumisira ng latext kaya hindi dapat gamitin sa kahit na anong condom. Ang mantika ay maaaring gamitin sa pambabaing condom na hindi gawa sa latex, ngunit ito ay maaaring magdulot ng kahirapan sa paglilinis at pababain ang resistensiya ng gumagamit laban sa mga STIs.
Ang FC2 ay nabibili nang may kasamang non-spermicidal, silicone-based na pampadulas. Ang mga oil-based na pampadulas (ang FC2 ay hindi gawa sa latex) o water-based na pampadulas ay maaaring sa loob o sa labas ng FC2 o sa mismong ari ng lalaki.
Ang FC2 ay nagbibigay sa kababaihan kung ano ang kanilang gustong gawin sa kanilang kalusugan at sarili; puwede nilang protektahan ang kanilang sarili sakaling ayaw gumamit ng panlalaking condom ang kanilang partner; ang FC2 ay hypoallergenic at ito ay maaaring gamitin ng mga taong allergic sa latex; ang FC2 ay inilalagay bago ang pakikipagtalik; ang pambabaing condom ay hindi nangangailan ng matigas na ari ng lalaki bago mailagay; hindi nangangailangan ang pambabaing condom ng mabilis na paghugot ng arina lalaki pagkatapos lumabas ng semilya; hindi masyadong masikip ang FC2; ang FC2 ay madulas at umiinit ang materyal na ginamit sa temperatura ng katawan.[10]
Mababa ang bilang ng mga gumagamit ng pambabaing condom sa mga maunlad na bansa, di gaya ng sa mga umuunlad na bansa, ngunit ginagamit din ito upang punan ang matagal ng naitaguyod na sistema ng family planning at HIV/AIDS programming. Ito ay maaaring ipaliwanag ng kahirapan ng paglalagay ng pambabaing condom at ang mataas na presyo nito. Ang tunog na nililikha ng pambabaing condom sa tuwing gagamitin sa pagtatalik ay maaari ring isang dahilan. Ang nakausling ring sa bukas na dulo ng pambabaing condom ay nagsisilbi ring turn-off para sa mga mamimili.[11]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.