Ang isang kardinal-pamangking lalake (Espanyol: cardenal nepote [tuwirang salin: kardinal-pamangkin]; Ingles: cardinal-nephew; Latin: cardinalis nepos; Italyano: cardinale nipote; Espanyol: valido de su tío; Pranses: prince de fortune) ay isang kardinal sa Simbahang Katoliko Romano na itinaas sa posisyon ng papa ng Simbahang Romano Katoliko na tiyuhin ng kardinal na ito o sa mas pangkalahatan ay kamag-anak. Ang kasanayan ng paglikha ng mga kardinal-pamangkin ay nagmula sa Mga Gitnang Panahon at umabot sa tugatog nito noong ika-16 at ika-17 siglo.[1] Ang salitang nepotismo ay orihinal na tumutukoy nang spesipiko sa kasanayang ito nang ito ay lumitaw sa wikang Ingles noong 1669. Mula sa gitna ng kapapahan ng Avignon (1309–1377) hanggang sa bull na anti-nepotismo ni Papa Inocencio XII na Romanum decet pontificem (1692), ang isang papa na walang kardinal-pamangkin ang eksepsiyon sa patakaran. Ang bawat papa ng panahong Renasimiyento na lumikha ng mga kardinal ay humirang ng isang kamag-anak sa Kolehiyo ng mga Kardinal at ang pamangking lalake ang pinakakaraniwang pagpipilan. Ang institusyon ng kardina-pamangkin ay nag-ebolb sa loob ng pitong mga siglo. Mula 1566 hanggang 1692, ang isang kardinal-pamangkin ay humawak ng opisinang pang-curia ng superintendente ng estadong eklesiyasitikal na kilala bilang Kardinal Pamangkin at kaya ang mga termino ay minsang ipinagpapalit. Ang opisina ng Kardinal Pamangkin gayundin ang institusyon ng kardinal-pamangkin ay bumaba habang ang kapangyarihan ng Kardinal Kalihim ng Estado ay tumaas at ang mga kapangyarihang temporal ng mga Papa ay nabawasan noong mga ika-17 at ika-18 siglo. Ang talaan ng mga kardinal-pamangkin ay kinabibilangan ng hindi bababa sa labinglima at posibleng kasingrami ng labing siyam na mga Papa (Gregorio IX, Alejandro IV, Adriano V, Gregorio XI, Bonifacio IX, Inocencio VII, Eugenio IV, Pablo II, Alejandro VI, Pio III, Julio II, Leo X, Clemente VII, Benedicto XIII, at Pio VII at marahil ay sina Juan XIX at Benedicto IX rin kung sila ay talagang itinaas bilang mga kardinal gayundin sina Inocencio III at Benedicto XII kung sila ay talagang may relasyon sa mga nagtaas sa kanila sa pagkakardinal), isang antipapa (Antipapa Juan XXIII) at dalawa o tatlong mga santo (Carlos Borromeo, Guarino ng Palestrina at marahil ay si Anselmo ng Lucca sa kaso na siya ay talagang isang kardinal).

Thumb
Si Pietro Ottoboni, ang huling kardinal-pamangkin, ipininta ni Francesco Trevisani.

Tingnan din

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.