From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang palayok ay yari sa luwad na ginagamit sa tradisyunal na lalagyan sa paghahanda ng pagkain sa Pilipinas. Salitang Tagalog ang palayok; sa ibang bahagi ng bansa, lalo na sa kabisayaan, tinatawag itong kulon; tinatawag namang anglit ang maliit na palayok. Sa Indonesia at Malaysia, tinutukoy ang sisidlan bilang isang periuk.
Ang palayok ay yari sa terakota, isang seramikong materyal na may maraming butas na maliliit. Pinapahintulot nito ang pagsingaw mula sa niluluto na lumabas sa maliit na butas sa terakota. Hindi magsisimulang masunog ang mga katas ng niluluto hanggang lahat ng mga tubig ay sumingaw, pagkatapos nito, magiging lutong-luto na ang pagkain. Dahil hindi naiilipat ng masyado ang seramiko ang init, di tulad ng metal na gamit sa pagluluto nangangailangan ito ng matagal na oras ng pagluluto at isang mataas na temperatura.[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.