From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang palapag[1] (storey sa Britanikong Ingles[2] at story sa Amerikanong Ingles,[3] o tinatawag ding floor)[4] ay anumang lebel na bahagi ng isang gusali na may sahig na maaaring gamitin ng mga tao (para sa panirahan, trabaho, pantago ng mga gamit, libangan, at iba pa).
Sa Pilipinas, tumutukoy ang salitang "palapag" sa kapuwang "floor" at "storey." Binabaybay ang "storey" sa paraang Britaniko, at tumutukoy ito sa kabuoang bilang ng mga palapag sa isang gusali, habang malimit na ginagamit ang "floor" sa isang partikular na palapag. Malawakang ginagamit ang sitemang Amerikano ngunit ginagamit ng ilang mga gusali (tulad ng Ayala Malls at mas lumang mga tanggapan ng pamahalaan) ang sistemang Europeo. Kaya maaring gamitin nang halinhinan ang mga salitang "ground floor" at "first floor." Ang mga katagang "Lower" at "Upper Ground Floor" ay maari ring gamitin ng mga gusaling pamilihan (malls) at ilang mga gusaling tanggapan na may isang bahagyang-nakababa at isang bahagyang-nakaangat na ground level, kapuwa ay mapupuntahan o madaraanan sa mismong ground level gamit ang mga hagdan o eskalera. Sa sistemang ito, ang "ikatlong palapag" ay opisyal na nagiging "ikalawang palapag" dahil sa dalawang mga "ground floor", bagamat pangkalahatang tinatawag na "ikalawang palapag" ang upper ground level at "ikatlong palapag" sa bagong second level sa kagustuhan ng madla.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.