From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pagpuna, na tinatawag ding pagpansin, pagmasid, pagmamalas, pagmamatyag, obserbasyon, o pag-oobserba, ay maaaring isang gawain ng isang nabubuhay na nilalang, katulad ng tao, na binubuo ng pagtanggap ng kaalaman ukol sa mundong panlabas sa pamamagitan ng mga pandama; at maaari ring pagtatala ng dato na ginagamitan ng mga instrumentong pang-agham. Ang mga katagang ito ay maaari ring tumukoy sa anumang datong nalipon habang isinasagawa ang gawaing ito. Ito man ay maaari ring ang paraan ng pagtanaw sa mga bagay o kapag tinitingnan mo ang isang bagay.
Maaari rin bigyan ng kahulugan ang obserbasyon bilang isang tuwirang masusing pagsisiyasat, mabuting pagsusuri, mabuting pagmamasid ng isang sitwasyon o kalagayan.[1] Isa itong masigla o aktibong pagtatamo ng impormasyon o kabatiran mula sa isang pangunahing napagkukunan. Sa mga bagay na may buhay, ang pag-oobserba o pagmamasid ay ginagamitan ng mga pandama. Sa agham, ang pagsubaybay o pagmamatyag ay maaari ring kasangkutan ng pagtatala o pagrerekord ng mga dato sa pamamagitan ng paggamit ng mga instrumento. Ang kataga ay maaari ring tumukoy sa anumang dato na nakalap o nakulekta habang nangyayari o ginagawa ang isang gawaing pang-agham.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.