Pagbubuhos ng tubig

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang pagwiwilig (mula sa salitang-ugat na wilig) o apusyon (mula sa Ingles na affusion) o pagbubuhos ng tubig ay ang pagpapatulo at pagpapadaloy ng tubig na ginagawa sa pagbibinyag. Sa larangan ng medisina, tumtukoy ang apusyon sa pagbubuhos ng tubig sa buong katawan o bahagi nito bilang isang uri ng panggagamot sa karamdaman.[1]

Pagbubuhos ng malamig na tubig

Ginagamit ang pagbubuhos ng malamig na tubig o malamig na apusyon para sa pagpapababa ng temperatura kapag may lagnat ang pasyente. Isinasagawa ito habang nakahiga ang may lagnat sa isang lubluban o babaran. Mas may epekto at mas madaling punasan sa pamamagitan ng esponghang binasa ng malamig o maligamgam na tubig ang isang pasyente. Kung kinakailangan, gumagamit din ng malalamig na mga pakete o bilot, o kaya malamig na paligo. Ginagamit din ang pagbubuhos ng tubig na malamig bilang mabilis na panlunas o remedyo sa kaso ng mga inatake ng matinding pag-init ng katawang sanhi ng sikat ng araw.[1]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading content...
Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads