Katedral ng Notre-Dame
Katedral sa Pari From Wikipedia, the free encyclopedia
Katedral sa Pari From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Katedral ng Notre-Dame ( /ˌnɒtrə ˈdɑːm,_ˌnoʊtrə ˈdeɪm,_ˌnoʊtrə ˈdɑːm/;[3][4][5] Pranses: [nɔtʁə dam] ( pakinggan)), na madalas na tinutukoy bilang Notre-Dame,[lower-alpha 1] ay isang Katolikong katedral sa Île de la Cité sa ika-4 na arrondissement ng Paris, France. Ang katedral ay kinonsegra sa Birheng Maria at itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na halimbawa ng arkitekturang Pranses na Gothic . Ang makabagong paggamit ng rib vault at flying buttress, ang napakalaking at makukulay na bintanang rosas nito, at ang naturalismo at kasaganaan ng palamuting iskultura ay nagpaiba rito mula sa naunang istilong Romaniko.[6]
Notre-Dame de Paris | |
---|---|
Ina ng Paris | |
48.8530°N 2.3498°E | |
Lokasyon | Parvis Notre-Dame – place Jean-Paul-II, Paris, Pransiya |
Denominasyon | Simbahang Katolika |
Kasapi | 525,600 |
Websayt | notredamedeparis.fr |
Arkitektura | |
Estado | napinsala ng sunog, hindi ginagamit; may planadong restorasyon |
Istilo | Pranses na Gothic |
Taong itinayo | 1163–1345 |
Pasinaya sa pagpapatayo | 1163 |
Natapos | 1345 |
Detalye | |
Haba | 128 m (420 tal) |
Lapad | 48 m (157 tal) |
Bilang ng tore | 2 |
Taas ng tore | 69 m (226 tal) |
Number of spires | 1 (nasira ng sunog) |
Spire height | 91.44 metro (300.0 tal) (dati)[1] |
Kampana | 10 |
Pamamahala | |
Arkidiyosesis | Paris |
Klero | |
Arsobispo | Michel Aupetit |
Dekano | Patrick Chauvet |
Rektor | Patrick Jacquin |
Laity | |
Director of music | Sylvain Dieudonné[2] |
Padron:Infobox historic site |
Sinimulang itayo ang katedral noong 1160 sa ilalim ni Obispo Maurice de Sully at halos nakumpleto noong 1260, bagama't madalas itong baguhin sa mga sumusunod na siglo. Noong dekada 1790, na-desecrate ang Notre-Dame noong Himagsikang Pranses; ang karamihan sa mga relihiyosong imahe nito ay nasira o nawasak. Noong 1804, naging pook ang katedral ng pagkorona kay Napoleon I bilang Emperador ng Pransiya, at naging saksi sa pagbural ng ilang mga presidente ng Ikatlong Republika ng Pransiya.
Noong 1831, pumukaw ang mas laganap na interes sa katedral matapos lumabas ng nobela ni Victor Hugo na Notre-Dame de Paris (sa Ingles, The Hunchback of Notre-Dame; "Ang Kuba ng Notre-Dame"). Nagtungo ito sa isang malaking proyektong restorasyon sa pagitan ng 1844 at 1864, na pinangangasiwaan ng Eugène Viollet-le-Duc, na siyang nagpatayo ng kilalang toreng patulis ng katedral. Pinagdiwang ang pagpapalaya ng Paris noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa loob ng Notre-Dame noong 1944 sa pag-awit ng Magnificat. Simula noong 1963, nilinis ang harapan ng katedral mula sa ilang siglong pagdapo rito ng dumi. Isa pang proyektong paglilinis at restorasyon ay natupad sa pagitan ng 1991 at 2000.[7]
Isa sa pinakatanyag na simbolo ng lungsod ng Paris at ng Pransiya ang katedral. Bilang katedral ng Arkidiyosesis ng Paris, ang Notre-Dame ay naglalaman ng katedra ng Arsobispo ng Paris. Humigit-kumulang 12 milyong katao ang bumibisita sa Notre-Dame taun-taon, kaya't itong ang pinakabinibisitang bantayog sa Paris.[8]
Habang sumasailalim sa pagsasaayos at renobasyon, nasunog ang bubong ng Notre-Dame sa gabi ng 15 Abril 2019. Nang matapos nang maapula ang sunog matapos ang 15 oras, nakatamo na ng matinding pinsala ang katedral, kasama ang pagguho ng toreng patulis at karamihan sa bubong na yari sa kahoy na binalutan ng tingga sa ibabaw ng batong kisame.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.