Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Nero Claudius Caesar Augustus Germanicus (Disyembre 15, 37 – Hunyo 9, 68) na ipinanganak bilang Lucius Domitius Ahenobarbus ay kilala rin sa pangalan na Nero Claudius Caesar Germanicu, o sa maigsi niyang pangalang Neron[2] (ne-RON) ay ang ika-lima at huling Emperador Romano ng Dinastiyang Hulio-Claudian. Si Neron ay inampon ng kanyang tiyuhing si Claudius na maging tagapagmana ng trono. Siya'y umupo sa trono noong Oktubre 13, 54 AD pagkamatay ni Claudius.
Nero | |
---|---|
Ikalimang Emperador ng Imperyo Romano | |
Paghahari | 13 Oktubre 54 CE – 9 Hundyo 68 CE |
Buong pangalan | Lucius Domitius Ahenobarbus (kapanganakan hanggang sa pag-aampon) Nero Claudius Caesar Drusus Germanicus (pag-aampon hanggang sa pag-akyat sa trono) Nero Claudius Caesar Augustus Germanicus (bilang emperador) Imperator Nero Cladius Divi Claudius filius Caesar Augustus Germanicus (pangalang imperyal)[1] |
Kapanganakan | 15 Disyembre 37 CE |
Lugar ng kapanganakan | Antium, Italya |
Kamatayan | 9 Hunyo 68 CE (edad 30) |
Lugar ng kamatayan | sa labas ng Roma |
Pinaglibingan | Mausoleo ng Domitii Ahenobarbi, Bundok Pincian, Roma |
Sinundan | Claudius, amain |
Kahalili | Galba |
Konsorte kay | Claudia Octavia Poppaea Sabina Statilia Messalina |
Supling | Claudia Augusta |
Ama | Gnaeus Domitius Ahenobarbus |
Ina | Agrippinang Mas Bata |
Si Neron ay namuno mula 54 hanggang 68. Ang kanyang pamumuno ay kinabibilangan ng kanyang pagwawagi sa digmaan, pakikipagkasundo sa Imperyong Parthian, pagsupil sa pag-aaklas ng Britanya at mabuting pakikitungong diplomatiko sa Gresya. Noong 68, si Neron ay napilitang magtago dahil sa pag-aaklas militar. Dahil sa siya'y nahaharap sa hatol na kamatayan, si Neron ay nagpakamatay sa tulong ng kanyang iskriba na si Epaphroditos.
Si Nero ay ipinanganak na Lucius Domitius Ahenobarbus noong Disyembre 15, AD 37, sa Antium, malapit sa Roma. Siya ang nag-iisang anak na lalaki ni Gnaeus Domitius Ahenobarbus at Agrippina na kapatid ni Emperador Caligula.
Ang ama ni Nero ay apo ni Gnaeus Domitius Ahenobarbus at Aemilia Lepida sa pamamagitan ng kanilang anak na si Lucius Domitius Ahenobarbus. Si Gnaeus ay apo ni Mark Antony at Octavia Minor sa pamamagitan ng kanilang anak na babae na si Antonia Major. Sa pamamagitan ni Octavia, siya ang pamangkin sa tuhod ni Caesar Augustus. Ang ama ni Nero ay isang praetor at kabilang sa mga kawani ni Caligula. Ang ama ni Nero ayon sa mananalaysay na si Suetenius ay isang mamamatay tao at manloloko na hinatulan ni emperador Tiberio ng paghihimagsik, pangangalunya at pakikipagtalik sa kamag-anak(incest). Siya ay nakaligtas sa mga paratang na ito nang si Emperador Tiberio ay mamatay. Si Gnaeus ay namatay sa sakit na edema(o dropsy) noong 39 nang si Ner ay tatlong taong gulang.
Ang ina ni Nero ay si Agrippina ang Nakababata, na apo sa tuhod nina Caesar Augustus at ang kanyang asawang si Scribonia sa pamamagitan ng kanilang anak na si Julia ang Nakatatanda at kanyang asawang si Marcus Vipsanius Agrippa. Ang ama ni Agrippina na si Germanicus, ay apo ng asawa ni Augustus na si Livia, sa isang panig at nina Mark Antony at Octavia sa kabilang panig. Ang ina ni Germanicus na si Antonia Minor ay anak na babae nina Octavia Minor at Mark Antony. Si Octavia ay ikalawang nakatatandang kapatid ni Augustus. Si Germanicus ay isa ring ampong anak ni Tiberio. Ang ilang sa mga mananalaysay ang nagsasabi na pinatay ni Agrippina ang kanyang ikatlong asawa na si emperador Claudius.
Hindi inaasahan na si Lucius ay magiging isang emperador. Ang kanyang tiyuhin sa ina na si Caligula ay nagsimulang mamuno sa edad na dalawampu't apat. Siya'y walang tagapagmana sa trono. Ang kanyang asawa na si Caesonia at ang kanilang anak na babae na si Julia Drusilla ay pinatay noong 41. Ang mga pangyayaring ito ang naging dahilan kung bakit si Claudius na tiyuhin ni Caligula ang naging emperador.
Si Claudius ay nag-asawa ng dalawang beses bago pakasalan si Messalina. Sa kanyang mga naunang asawa ay nagkaroon siya ng tatlong anak kabilang ang isang anak na lalake na namatay noong bata pa lamang. Mayroon siyang dalawang anak kay Messalina na si Claudia Octavia (ipinanganak noong 40) at Britannicus (ipinanganak noong 41). Si Messalina ay ipinapatay ni Claudius noong 48. Noong 49, si Claudius ay nagpakasal sa kanyang ika-apat na asawa na si Agrippina. Para matulungan sa politika ay opisyal na inampon ni Claudius si Lucius noong 50 at pinangalanang Nero Claudius Caesar Drusus Si Neron ay mas matanda sa kanyang kinakapatid na si Britannicus, at naging tagapagmana ng trono.
Si Nero ay nahirang na proconsul noong 51 sa edad na labingapat. Noong 53, kanyang pinakasalan ang kanyang kinakapatid na si Claudia Octavia.
Si Nero ay naging emperador sa gulang na labing anim, ang pinakabatang naging emperor ng Imperyo Romano. Sinasabing ang kanyang pamumuno ay malakas na naimpluwensiyahan ng kanyang inang si Agrippina, ang kanyang tagapagturong si Lucius Annaeus Seneca at ang Praetorian Prefect na si Sextus Afranius Burrus. Ang kanyang mga unang taong ng pamamahala ay sinasabing isang halimbawang ng mabuting pamumuno.
Ang karamihan ng alam tungkol sa buhay ni Nero ay mula sa mga historyan na sina Tacitus, Suetonio, at Cassius Dio.[3]:37
Ayon sa kanila, ang mga proyektong konstruksiyon ni Nero ay sobrang maluho at ang karamihan ng mga paggastos dito ay nag-iwan sa Italya na lubusang naubusan ng mga ambag ng salapi at ang mga probinsiya ng Imperyong Romano ay bumagsak.[4][5] Ayon sa mga modernong historyan, ang parahong ito ay puno ng mga deplasyon at ang paggastos ni Nero sa mga konstruksiyon ito ay mula sa mga mamayan at mga tulong na para pahupain ang mga problema sa ekonomiya ng imperyo.[6]
Si Nero ay naging emperador ng Imperyong Romano noong 54 CE sa edad na diyesisais(16). Siya ang pinakabatang emperador na naupo sa trono hanggang sa pamumuno ni
Elagabalus, who became emperor sa edad na katorse(14) noong 218 CE.[7] Bilang Paraon ng Ehipto, kinuha ni Nero ang titularyong makaharing Autokrator Neron Heqaheqau Meryasetptah Tjemaahuikhasut Wernakhtubaqet Heqaheqau Setepennenu Merur ('Emperador Nero, Pinuno ng mga pinuno, pinili ni Ptah, minamahal ni Isis, isang matibay na tao na nagpabagsak sa mga lupain ng dayuhan, nagwagi para sa Ehipto, pinuno ng mga pinuno at pinili ni Nun na nagmamahal sa kanya').[8]
Ang kanyang gurong si Seneca ay naghanda ng unang talumpati ni Nero sa Senado ng imperyo. Sa kanyang talumpati, kanyang sinabi na "inalis niya ang mga sakit ng nakaraang rehime.:16 Ayon kay H.H. Scullard, pinangako ni Nero na susundan niya ang modelong [ni Augusto Cesar sa kanyang prinsipado upang wakasan ang lahat ng mga sikretong paglilitis intra cubiculum upang tapusin ang korupsiyon sa mga paborito ng hukuman at mga malalayang tao at sa itaas ng lahat ay irespeto ang mga pribilehiyo ng Senado at mga indibidwal na senador."[9]:257 Ang kanyang pagrespeto sa autonomiya ng Senado ay nagtangi sa kanya sa pamumuno ni Claudio at Caligula at malawakang tinanggap ng Senado.:18
Ayon din kay Scullard,, ang ina ni Nero na si Agrippina ay nagnais na mamuno sa pamamagitan ng kanyang anak.[9]:257 Pinatay ni Agrippina ang kanyang mga katunggali sa politika na sina Domitia Lepida ang Nakababata na tiyahin na tinirhan ni Nero sa pagkakatapon ni Agrippina, Marcus Junius Silanus na apo sa tuhod ni Augusto at Narcissus.[9]:257 Ang isa sa pinakamaagang mga baryang nilimbag ni Nero sa kanyang pamumuno ay nagpapakita kay Agrippina sa kabilang obverso na karaniwan ay nakalaan para sa larawan ng emperador. Pinayagan din ng Senado si Agrippina na magkaroon ng dalawang mga lictor sa kanyang pagharap sa publiko na isang parangal na sa kustombreng Romano ay ibinibigay lamang sa mga mahistrado at [[Vestalis Maxima].:16 Noong 55 CE, tinanggal ni Nero ang kaalyado n Agrippina na si Marcus Antonius Pallas sa posisyong bilang tagapagingat sa kabang yaman ng imperyo. Ayon kay Shotter, Ang nakita nina Seneca at Burrus na hindi mapanganib kay Nero na kanyang mga pagpupursiging pangkultura at pakikipagrelasyon sa isang babaeng aliping si Claudia Acte ay mga senyas nang kanyang pagnanais na makalaya sa impluwensiya nang kanyang ina.:12 Si Britannicus ay nilason pagkatapos na nagbanta si Agrippina na pumanig kay Britannicus.:12 Pinatapon ni Nero si Agrippina sa palasyo nang makipagrelasyon ito sa asawa ni Nero na si Octavia.[9]:257 Dahil sa pagtutol ng ina ni Nero na si Agrippina sa pagpapakasal nito kay Poppaea Sabina, pinatay ni Nero ang kanyang ina. Ang ilang mga modernong historyan ay nagmungkahing pinatay ni Nero ang kanyang ina dahil sa pagbabalak nito na palitan si Nero ni Gaius Rubellius Plautus (ikalawang pinsan ni Nero sa ina) o Britannicus na anak na biyolohikal ni Claudio.
Noong 62 CE, namatay ang tagapayo ni Nero na si Burrus. Sa parehong taon, tumawag si Nero para sa unang paglilitis ng pagtataksil (maiestas trial) laban kay Antistius Sosianus.[3]:53[10] Pinapatay rin niya ang kanyang mga katunggali na sina Cornelius Sulla at Rubellius Plautus.Ayon kay Jürgen Malitz, ito ang punto ng pagbabago sa kanyang pakikitungo sa Senado ng Imperyo dahil naniwala si Nero na ang pagsuporta rito ay hindi kapaki-pakinabang.Pagkatapos mamatay ni Burrus, hinirang ni Nero ang mga Prepektong Praetorianong sina Faenius Rufus at Ofonius Tigellinus at dahil dito, si Seneca ay napilitang magretiro.[9]:26 Ayon kay Tacitus, diniborsiyo ni Nero si Octavia dahil sa pagiging baog nito at ipinatapon ito.[3]:99[11] Pagkatapos ng pagpoprotesta ng mga mamamayan kay Nero dahil sa pangyayaring ito, inakusahan ni Nero si Octavia ng pakikiapid kay Anicetus at pinpatay ni Nero si Octavi.[3]:99[12]
Noong 64 CE, sa panahon ng Saturnalia, pinakasalan ni Nero si Pythagoras na isang pinalayang lalake.[13][14][15][16]
Ang Malaking pagkasunog ng Roma ay nagsimula noong gabi nang 18 hanggang 19 Hulyo 64 sa mga libis ng Bundok Aventino kung saan matatanaw ang Circus Maximus o sa panlabas na kahoy ng mismong Circus.[17][18] Inilarawn nina Tacitus, Cassius Dio, at mga modernong arkeologo ang pagkawasak ng mga mansiyon, mga pampublikong gusali at mga templo ng mga bundok Aventino, Palatino at Caelian.[17][19] Ang sunog ay tumagal ng pitong araw at humupa ngunit muling nagsimula at tumagal pa ng tatlong araw. Winasak nito ang tatlo sa labingapat ng mga distrito ng Roma at malabis na sumira sa pito pang distrit.[9]:260[20]
Ang ilang mga Romano ay naniniwalang ito ay isang aksidente, ang iba ay naniniwalang arson na ginawa sa ngalan ni Nero. Ang mga salaysay nina Pliny ang Nakatatanda, Suetonio at Cassius Dio ay nagmumungkahi ng ilang mga posibleng dahil ng pagsunog ni Nero kabilang ang kanyang paglikha ng isang mukhang tunay sa buhay na tabing sa isang pagtatanghal sa teatro tungkol sa nasusunog na lungsod ng Troya. Sinulat ni Suetonio na si Nero mismo ang nagsimula ng sunog upang linisin ang lungsod sa kanyang pinaplanong malapalasyong tahanang Domus Aurea.[21] Ito ay kinabibilangan ng isang artipisyal na mga tanawin at isang malaking 30 metrong rebulto ng kanyang sarili na Colossus ni Nero na ilalagay kung saan itinayo ang Colosseum.[22][23][24] Ayon kina Suetonio at Cassius Dio, si Nero ay umaawit ng "Iliupersis" sa damit pang-entablado habang nasusunog ang lungsod ng Roma.[25][26]
Naniwala naman si Tacitus na walang sala si Nero sa pagsunog ng Roma nang malaman niyang si Nero ay nasa Antium nang magsimula ang sunog at bumalik sa Roma upang magsimula ng pagtatangkang tulong para sa pagtanggal ng mga katawang nasunog at mga giba na ginamitan niya gamit ang kanyang salap.[27][28] Pagkatapos ng sunog, binuksan ni Nero ang mga palasyo upang maging tahanan ng mga nawalan ng tirahan at nagbigay ng mga suplay ng pagkain upang hindi magutom ang mga nakaligtas.[27] Ayon kay Tacitus, upang matanggal ang pagsusupetsa ng mga mamamayan na siya ang mismong nagsimula ng apoy, sinisi ni Nero ang mga Kristiyano sa pagsisimula ng sunog.[29] Sa kanyang salaysay, maraming mga Kristiyano ay tinugis at ipinatapon ng buhay upang lapain ng mga mababangis na hayop, ipinako sa krus at pinasunog ng buhay.[30] Ayon kay Tacitus, ang parusang ito ay hindi dahil sa paniniwala ni Nero na ito ay naaayon sa hustisya kundi sa sariling kasiyahan ni Nero para sa kalupitan.[31]
Pagkatapos ng sunog, nagpatayo si Nero ng isang bagong kompleksong palasyong tinawag na Domus Aurea sa mga lugar na nalinis ng sunog. Ang gastos sa muling pagtatayo ng Roma ay napakalaki na nangailangan ng pondo na hindi maibibigay ng kabang yaman ng imperyo. Upang mapondohan ito, pinataas ni Nero ang pagbubuwis sa mga mamamayan.[32] Sa partikular, ang mabibigay na mga buwis ay pinataw sa mga probinsiya ng imperyo.[33] Upang makamit ang bahagi ng mga paggastos, pinabagsak ni Nero ang salaping Romano na nagpataas ng implasyon sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Imperyong Romano.[34][35]
Noong 65 CE, sinimulan ni Gaius Calpurnius Piso isang estadista ang isang sabwatan laban kay Nero sa tulong nina Subrius Flavus at Sulpicius Asper na isang tribune at centurion ng bantay na Praetorian.[36] Ayon kay Tacitus, maraming mga nakipagsabwatan ay nagnanais na iligtas ang imperyo mula kay Nero at ibalik ang Republikang Romano.[37] Nalaman ng malayang taong si Milichus ang sabwatan sa kalihim ni Nero na si Epaphroditus.[38] Dahil dito, nabigo ang sabwatan at ang mga kasapi nito ay pinapatay ni Nero kabilang ang manunulang si Lucan.[39] Ang nakaraang tagapayo ni Nero na si Seneca ang Nakababata ay inakusahan ni Natalis ngunit tumanggi si Seneca at sa kabila nito ay inutusan na sapilitang magpakamatay dahil sa nawalan na siya ng pabor kay Nero.[40]
Sinasabing sinipa ni Nero si Poppaea hanggang sa mamatay ito noong 65 CE bago pa nito isilang ang kanilang ikalawang anak. Ang ilang historyan, ay naniniwalang si Poppaea ay maaaring namatay nang makunan o manganak.[41] Labis na nagluksa si Nero at binigyan si Poppaea ng isang magarbong burol ng estado, pinarangalan bilang isang diyos at pinangakuan ng isang templo para sa kanyang kulto. Ang katawan nito ay hindi sinunog gaya ng kaugalian ngunit inembalsamo sa kustombre ng mga Ehipsiyo at nilibing. it is not known where.[42]
Noong 67 CE, pinakasalan ni Nero ang isang batang lalakeng si Sporus na sinasabing kamukha ni Poppaea. Pinakapon ni Nero ang bata at ginawa itong parang isang babae at pinakasalan sa isang dote at belong pangkasal.[43][44]
Noong Marso 68, ang gobernador ng Gallia Lugdunensia na si Gaius Julius Vindex ay nag-alsa laban sa mga patakaran ng pagbubuwis ni Nero.[45][46] Inutusan si Lucius Verginius Rufus na gobernador ng Germania Superior na supulin ang paghihimagsik ni Vindex.[47] Sa pagtatangka na makamit ang suporta mula sa labas ng kanyang probinsiya, tinawag ni Vindex si Servius Sulpicius Galba na gobernador ng Hispania Tarraconensis upang sumali sa paghihimagsik at ideklara ang kanyang sarili na emperor bilang pagsalungat kay Nero.[48]
Sa Labanan ng Vesontio noong Mayo 68 CE, madaling natalo ng mga pwersa ni Verginius ang pwersa ni Vindex at dahil dito ay nagpatiwakal ito.[47] Gayunpaman, pagkatapos matalo si Vindex, ang mga lehiyon ni Verginius ay nagtangkang iproklama ang kanilang komandante bilang emperador ng imperyo. Tumanggi si Verginius ngunit ang mga walang kasiyahan ng mga lehiyon ng Germania at at patuloy na pagsalungat ni Galba sa Hispania ay hindi naging maganda para kay Verginius.[49]
Bagaman napanatili ni Nero ang ilang kontrol ng situasyon, ang suporta kay Galba ay lumaki sa kabila ng opisyal na pagdedekla sa kanyang kalaban ng publiko.[48] Inabandona rin ng prepekto ng Bantay na Praetorian na si Gaius Nymphidius Sabinus ang kanyang katapatan kay Nero at sumuporta kay Galba.[50]
Dahil dito, nilisan ni Nero ang Roma na may intensiyong pumunta sa porto ng Ostia at mula dito ay sumakay tungo sa mga tapat pa ring probinsiya sa silangan. Ayon kay Suetonio, inabandona na ni Nero ang ideyang ito nang ang ilang mga opiser ng hukbo ay hayagang tumanggi sa pagusnod sa kanyang mga utos na sumagot gamit ang linya mula sa Aeneid ni Virgil. "Nakakakot bang mamatay?". Pagkatapos ay naisip ni Nero na tumakas sa Imperyong Parthia sa Silangan, magmakaawa kay Galba o umapela sa mga mamamayan at humingi ng kapatawaran para sa kanyang mga kasalanan.[51]
Bumalik si Nero sa Roma at nanatili sa palasyo nang kagabihan. Pagkatapos matulog, nagising siya sa hating gabi at nalamang lumisan na ang bantay ng palasyo. Nagpadala siya ng mga mensahe sa kanyang mga kaibigan sa mga kamara ng palasyo upang pumunta sa kanya ngunit walang sumagot. Sa pagpunta sa kamara, nalaman niyang inabandona na siyang lahat at tinawag ang isang gladiator o sinumang mahusay sa espada upang patayin siya ngunit walang lumabas. Siya ay umiyak at sinabing "Wala na ba akong kaibigan o kaaway?" at lumabas na tila ay tatalon na sa Ilog Tiber.[51]
Sa pagbabalik niya, naghanap na siya ng lugar upang magtago ang tipunin ang kanyang sarili. Isang malayang lalake ng imperyo si Phaon ay nag-alok ng kanyang villa na matatagpuan nang 4 mi (6.4 km) sa labas ng lungsod. Sa paglalakbay nang nakabalatkayo, si Nero at ang apat na matapat na malayang lalake na sina Epaphroditus, Phaon, Neophytus, at Sporus ay nakarating sa villa kung saan inutos ni Nero na humukay sila ng libingan para sa kanya.[52][53] Sa panahong ito, nalaman ni Nero na dineklara na ng Senado ng imperyo na isa siyang kaaway ng estado.[53] Hindi ni Nero ang kanyang sarili upang puwersahang magpatiwakal nang paurong sulong at nagsabing Qualis artifex pereo ("Anong alagad ng sining ang mamatay sa akin").[54] Nagsumamo si Nero sa isa sa kanyang kasama na magsilbing halimbawa sa pamamagitan ng pagpapatiwakal muna. Sa huli, ang tunog ng papalapit na mga mangangabayo ay nagtulak kay Nero na harapin ang kanyang wakas at sapilitang inutusan ang kanyang sekretaryong si Epaphroditus na patayin siya. [55]
Siya ay namatay noong 9 Hunyo 68 CE[56] na anibersaryo ng kamatayan ng kanyang unang asawang babaeng si Claudia Octavia. Si Nero ay nilibing sa isang Mausoleo ng Domitii Ahenobarbi sa ngayong Villa Borghese (Bundo Pincian) ng Roma.[57]
Pagkatapos mamatay ni Nero noong 68 CE, may malawakang paniniwala sa mga probinsiya sa Silangan na si Nero ay hindi talaga namatay at tumakas sa kalaban ng Roma na Imperyong Parthian sa Ilog Eufrates at muling magbabalik upang wasakin ang Roma.[58] Ang paniniwalang ito ay nakilala sa kasaysayan bilang Nero Redivivus. Ito ay tumagal hanggang sa kamatayan ni Domiciano noong 96 CE. Ang tatlong impostor ay lumitaw na nagpakilalang si Nero, ang una ay umaawit at tumutugtog ng cithara at lyra katulad ni Nero na lumitaw noong panahon ni emperador Vitelio. Hindikkayat ng impostor na kilalanin siya bilang si Nero ngunit nabihag at pinaslang. Isa pang impostor ang lumitaw sa panahon ni emperador Tito sa Asia Menor at gaya ng una ay tumutugtog rin ng lyra at kamukha ni Nero ngunit ito ay pinaslang.[59] Ang ikatlong impostor ay lumitaw noong panahon ni emperador Domiciano na sinuportahan ng Imperyong Parthian na may pag-aatubiling isuko siya at ang bagay ay halos humantong sa isang digmaan.[60] .[61]
Sa mga pamayanang Kristyano noong unang siglo CE, ito ay nag-ebolb sa paniniwalang si Nero ang Antikristo na gagamitin ng diyos upang parusahan ang Imperyong Romano sa pagwasak nito sa Hersualem noong 70 CE at sa huli ay wawasakn naman ni Hesus. Ito ay matatagpuan sa Mga orakulong sibilino, Pag-akyat ni Isaias, Testamento ni Hezekias at maging sa Aklat ng Pahayag.
Noong 66 CE, nag-alsa ang mga Hudyo laban sa Imperyong Romano sa Unang Digmaang Hudyo-Romano.[62] Noong 67 CE, pinadala ni Nero ang heneral na si Vespasian upang supilin ito.[63] Ito ay humantong sa pagkawasak ng mga Romano sa Herusalem at ang Templo sa Herusalem noong 70 CE.[64]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.