From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Nagsimula sa Puso ("It Started From the Heart") ay isang dramang pantelebisyon ng ABS-CBN tuwing sa hapon sa Pilipinas. Ito ay muling paggawa ng pelikula noong 1990 na may ganoon ding pamagat kung saan bida si Hilda Koronel.[1][2]
Nagsimula sa Puso | |
---|---|
Uri | Drama |
Direktor | Malu Sevilla Darnel Joy Villaflor |
Pinangungunahan ni/nina | Maja Salvador |
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Wika | Filipino |
Bilang ng kabanata | 75 |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap | Roldeo T. Endrinal |
Oras ng pagpapalabas | 30–45 mins. |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | ABS-CBN |
Picture format | NTSC 480i |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 12 Oktubre 2009 – 22 Enero 2010 |
Kronolohiya | |
Sumunod sa | Kambal sa Uma |
Website | |
Opisyal |
Ang orihinal na pelikula ay pinalabas noong dekada 90 ng Vision Films. Ibinibida dito sina Hilda Koronel, Richard Gomez, Jay Ilagan, at Cherie Gil. Ito ay sa direksiyon ni Mel Chionglo at sinulat ni Ricky Lee.[3]
Ito ang kauna-unahang seryosong pagganap ni Maja Salvador bilang isang aktres. Sinabi ni Maja hindi na niya kailangan pang kumbinsihin para sa mas mapangahas na pagganap sa kanyang proyektong ito sapagkat nagustuhan na niya ang kuwento at ang mga pagsubok na kasama nito. Kahit na ang palabas ay binubuo ng magagaling na tauhan at napakagandang kuwento, inamin ni Maja na sabik pa rin siyang makita ang reaksiyon ng mga tao sa kanyang pagiging mas mapangahas. Matapos makita ng mga nasa pahayagan ang trailer ng Nagsimula sa Puso, marami ang nagsabing maganda ito na mailagay sa primetime television.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.