Bundok Pulag

bundok sa Luzon, Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Bundok Pulagmap

Ang Bundok Pulag (Ilokano: Bantay Pulag)[2] ay ang pinakamataas na tuktok sa Luzon na may taas na 2,928 metro (9,606 tal) mula sa kapantayan ng dagat. Ito rin ang ikatlong pinakamataas na bundok sa Pilipinas, at ang ika-26 na pinakamataas na tuktok sa pulo sa buong mundo.

Agarang impormasyon Pinakamataas na punto, Kataasan ...
Bundok Pulag
Bantay Pulag (Ilokano)
Thumb
Panoramikong kuha ng taluktok ng Bundok Pulag
Pinakamataas na punto
Kataasan2,928 m (9,606 tal)[1]
Prominensya2,928 m (9,606 tal)[1]
Ika-107 sa ranggo
Isolasyon668 km (415 mi) 
Mga koordinado16°35′0.86″N 120°53′0.93″E
Heograpiya
LokasyonLuzon
BansaPilipinas
Mga rehiyonRehiyong Administratibo ng Cordillera at Lambak ng Cagayan
Mga lalawiganBenguet, Ifugao at Nueva Vizcaya
Mga munisipalidadBokod, Kabayan, Kayapa at Tinoc
Magulanging bulubundukinKabundukan ng Cordillera
Heolohiya
Uri ng bundokNatutulog na bulkan
Arko ng bulkanMabulkang Arko ng Luzon
Pag-akyat
Unang pag-akyatc. 2000 BK ng mga katutubong Ibaloi.
Pinakamadaling rutaDaanang Ambangeg
Isara

Ito ang ikalawang pinakaprominenteng bundok sa Pilipinas. Matatagpuan sa mga hangganan ng mga lalawigan ng Benguet, Ifugao, at Nueva Vizcaya, nakatagpo ang mga hangganan ng mga ito sa taluktok ng bundok. Ikatlo sa pinakamataas ang Bundok Pulag, kasunod lang ng Bundok Apo at Bundok Dulang-dulang.[3]

Pinaniniwalaang tahanan ang buong bundok ng mga espiritong tinmongao at sagradong libingan ng mga kaluluwa ng mga Ibaloi at iba pang katutubo sa lugar.[4]

Kasaysayan

Ginagawang momya ng mga Ibaloi ang mga patay at ibinabahay nila sa mga yungib sa bundok. Itinuturing ang libinigang yungib sa Kabayan, isa sa mga pangunahing atraksiyon sa pook, na pambansang yamang pangkalinangan ng Pilipinas sa ilalim ng Atas ng Pangulo Blg. 432.[5]

Ipinroklama ang Bundok Pulag bilang pambansang liwasan sa bisa ng Proklamasyon ng Pangulo Blg. 75 na nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino noong Pebrero 20, 1987, na sumasaklaw ng 11,550 ektarya (28,500 akre).[6] Bahagi ito ng Bioheograpikong Sona ng Cordillera at isa itong pook sa Pambansang Programa ng Integradong Protektadong Lugar (NIPAP).[7]

Tinatahanan ang pambansang liwasan ng mga iba't ibang pangkat-etniko tulad ng mga Ibaloi, Kalanguya, Kankana-ey, Karao, at Ifugao.[8]

Klima

Tropikal ang klima sa bundok na ito na may ulan sa malaking bahagi ng taon. Karaniwang nasa 4,489 mm bawat taon ang presipitasyon kasama ang Agosto sa pinakabasang buwan na may karaniwang presipitasyon na 1,135 mm.

Halaman at hayop

Mayroon mga 528 na dinukumentong specie ng halaman ang bundok na ito. Dito ang likas na tirahan ng endemikong duwendeng kawayan, (Yushania niitakayamensis) at ang pinong Benguet (Pinus insularis). May mga 33 specie ng ibon ang matatagpuan dito kasama ang ilang mga nanganganib na mga mamalya tulad Filipinong usa (Philippine deer), malalaking mga daga at mahabang-buhok na paniki na kumakain ng prutas.

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.