Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago. Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago.
Pakisilip ang mga nakaraang pagbabago kung gusto mong makipag-usap sa user na naglagay nito rito. Maaari itong tanggalin kung walang naganap na mga pagbabago sa mga susunod na araw matapos itong ipaskil dito. Maliban kung walang mga pagbabago, hindi dapat ito burahin.
Nagsisimula ang kuwento sa pagpapakilala sa magkaibigang dalagang sina Miaka Yūki at Yui Hongo ("Julie" sa Pilipinong dub). Napunta sila isang araw sa pinagbabawal na bahagi ng Pambansang Aklatan, at mayroon silang nagtagpuang kakaibang aklat na pinamagatang "Ang Aklat ng Kalawakan ng Apat na Diyos". Nang buksan nila ang aklat at binasa ang unang pahina, nahigop sila ng aklat at napasok sa mundong nasa loob ng kuwento, na katulad sa sinaunang Tsina.
Itataguring "Katalonan ni Suzaku" si Miaka ng Imperyo ng Kōnan, at ang siyang itinadhanang magtitipon sa Pitong Mandirigmang Makalangit ni Suzaku upang maitawag ang diyos na si Suzaku at makamit ang tatlong kahilingan. Magiging kasintahan niya ang isa sa Pitong Mandirigma na si Tamahome, ang siyang nagtanggol sa kanila nina Julie nang pagtangkaan silang saktan ng mga salarin nang una silang mapadpad sa mundo ng aklat. Bunga nito, sa halip na naisin ni Miaka na gamitin ang isa sa tatlong hiling upang makapasa siya sa kaniyang pinupusuang mataas na paaralan, mas nagustuhan niyang gamitin ito upang magkasama sila nina Tamahome.
Ang kaniyang kaibigang si Yui Hongo naman ang tinaguriang Katalonan ni Seiryū, na ang siyang diyos naman ng bansa ng Kutō. Niloko siya ni Nakago, ang pianakamataas na heneral ng bayang iyon, upang maniwalang tinalikuran siya ni Miaka at nagahasa siya. Dahil dito at sa pinagseselosan niya si Tamahome, nagsikap si Yui na magkapaghiganti kay Miaka.
Sa kabuonan ng kuwento, inilalarawan ang mga pagsubok na hinaharap ng dalawang dalaga, mapatadhana man o personal. Magiging lubos silang magkatunggali at nag-uunahan sa kung sino ang makakapagtawag sa kani-kanilang diyos upang makahingi ng ipinangakong tatlong kahilingan.
Mayroong limampu't dalawang (52) tagpò sa telebisyon ang Fushigi Yūgi na hinati sa dalawang bahagi. Dagdag pa nito, mayroon din itong dalawang (2) espesyal na tagpong pantelebisyon, at may kabuuang labing tatlo (13) OAVs, na hinati sa mga sumusunod: Serye 1 (3 senaryo), Serye 2 (6 na senaryo) at Fushigi Yuugi Eikoden (4 na senaryo)
Ang Fushigi Yugi anime ay nailathala sa Singapore sa ilalim ng Odex. At lumabas naman ito sa Hapan sa ilalim naman ng Shogakukan. Lumabas din ito sa wikang Ingles sa Hilagang Amerika sa ilalim ng VIZ Media. Sa Singapore, lumabas ito sa wikang Ingles sa tulong ni Chuang Yi.
Ang pangunahing tauhang si, Miaka Yūki, ang Katalonan ng Suzaku, at ang Pitong Mandirigmang Makalangit ni Suzaku ay bahagi ng Imperyo ng Kōnan. Si Suzaku ang diyos ng bansang ito, hango sa pulang ibon na si Zhū Qué, ang tagapagbantay ng Katimugan sa astrolohiyang Tsino.
Nagboses Sa Wikang Hapon Kae Araki boses ng Usagi Tsukino Sailor Moon kasalukuyang boses Kotono Mitsuishi, Chibusa Tsukino,Black Lady, Sailor Chibi Moon at Super Sailor Chibi Moon sa Tagalog, Cebuano at Hiligaynon Rose Barin at sa Ingles Daphne Cezar
Ang gumawa na istorya na ito ay si Yuu Watase
Si Miaka ay ang Suzako no Miko o Priestess of Suzako. Napadpad sya sa kaharian ng Konan na pinamumunuan ni Emperor Hotohori ng makapasok sila sa loob ng libro ni Yui na ang pangalan ay (Universe of the Four Gods). Doon nya nakilala si Tamahome at kanyang pag-ibig at ang iba pang mga Suzako Warriors na sila Nuriko, Tasuki, Chichiri, Mitsukake, Chiriko.dito rin nasira ang pag kakaibigan nila Yui dahil sa pag mamahal din nito kay Tamahome.
Tamahome (鬼宿)
Tunay na pangalan: So Kishuku (Xong Giu-Sui sa Wikang Tsino)
Ipinanganak noong: 28 Hunyo
Edad: 17
Taas: 1.80m
Armas: Kamao
Pag-uugali: Malakas, makisig, tapat, palabiro, at mahilig sa pera
Nagboses Sa Wikang Hapon Hikaru Midorikawa at sa Wikang Tagalog at Bisaya Lloyd Navera
Nuriko (柳宿)
Tunay na pangalan: Chō Ryūen (Tiao Liuchuan sa Intsik)
Kilala rin bilang: Chō Koūrin (Tiao Kanglin sa Intsik)
Lugar ng kapanganakan: Eiyo, kapital ng Imperyo ng Konan
Ipinanganak noong: 10 Marso
Konstelasyon: Hydra
Edad: 18
Simbolo: Willow (柳宿 yanagi), sa may kaliwang bahagi ng dibdib
Taas: 1.66m~5'5
Libangan: Magdamit ng pambabae, tsismis,may pagtingin kay Hotohori
Tipo ng dugo: B
Abilidad: Di pangkaraniwang pisikal na lakas
Pamilya: Mga magulang, Rokou(nakatatandang kapatid na lalaki), Kourin(nakababatang kapatid na babae), Sonjun(tito), Fuyou(tita)
Armas: Mga armlet na nagdaragdag ng lakas
Nagboses Sa Wikang Hapon: Chika Sakamoto at sa Wikang Tagalog at Bisaya: Michiko Azarcon
Si Nuriko(柳宿), ipinanganak bilang si Chō Ryūen (o Tiao Liuchuan sa Intsik), ay isang tauhan sa anime na Fushigi Yuugi.
Hotohori (星宿)
Tunay na pangalan: Saihitei Seishuku (Xing Shu sa Intsik)
Ipinanganak noong: 2 Abril
Edad: 18
Taas: 1.82m
Armas: Espada
Pag-uugali: Mapagbigay, maalaga, mabuti ang puso, iniidolo ang sarili,malungkot at naghihintay ng babaeng mamahalin/nangungulila
Nagboses Sa Wikang Hapon Takehito Koyasu at sa Wikang Tagalog at Bisaya Vincent Gutierrez
Tasuki (翼宿)
Tunay na pangalan: Kō Shun'u (Genro) (Hou Chun Yu sa Wikang Tsino)
Ipinanganak noong: 18 Abril
Edad: 17
Taas: 178 cm
Armas: Pamaypay na yari sa bakal
Pag-uugali: Maingay, mahilig sa apoy, tapat, mapagpatawa, takot sa tubig, ayaw sa babae maliban kay Miaka
Chichiri (井宿)
Tunay na pangalan: Hōjin Ri
Ipinanganak noong: 21 Mayo
Edad: 24
Taas: 1.75m
Armas: Kulam, patpat, sumbrero, kapa
Pag-uugali: Payapa, mabait, tuso , matalino at masayahin
Mitsukake (軫宿)
Tunay na pangalan: Myo Juan (Miao Niu An sa Wikang Tsino)
Ipinanganak noong: 7 Mayo
Edad: 22
Taas: 1.99m
Armas: Nakakapagpagaling sa pamamagitan ng palad
Pag-uugali: Matangkad na tahimik
Chiriko (張宿)
Tunay na pangalan: Ō Dōkun (Wong Tao Hui sa Wikang Tsino)
Edad: 13
Armas: Ang kanyang pambihirang katalinuhan
Pag-uugali: Matalino, tuso, at pinaka-bata sa grupo
Mga maka-Seiryū
Yui Hongo ("Julie Hongo")
Ipinanganak noong: 26 Oktubre
Edad: 15
Taas: 162 cm
Pag-uugali: Matalino ngunit madaling manipulahin
Nakago (Kinikilalang pinuno ng lahat na mandirigma ng Seiryu, ang kanyang malamig na pag-uugali at dating ay ang tumutulak kay Yui na magdesisyon ng masama noong bandang simula ng istorya. Lahat ng taga-Seiryū ay takot kay Nakago. Ang kanyang lakas ay higit pa sa pinagsama-samang lakas ng mga mandirigma ng Suzaku.)
Tunay na pangalan: Gi Ayuru
Ipinanganak noong: 17 Nobyembre
Edad: 25
Taas: 193 cm
Armas / Kapangyarihan: Hindi pa alam, madaling magmanipula ng kanyang enerhiya o lakas
Pag-uugali: Malamig ang puso, hindi nagpapakita ng emosyon, galit sa mundo.
Soi
Tunay na pangalan: Haku Kaen (Bai Hua Wan sa Intsik)
Ipinanganak noong: 30 Oktubre
Edad: 19
Taas: 170 cm
Armas / Kapangyarihan: May kakayahang magmanipula ng kidlat, panahon, at elektrisidad. Isa ring bihasa sa iba't ibang istilo sa kama
Pag-uugali: Hindi nagmumungkahi kapag may napansin na pagkakamali, malapit ang loob kay Nakago at gagawin ang lahat para sa kanya.
Miboshi
Tunay na pangalan: Hindi pa alam
Ipinanganak noong: 4 Disyembre
Edad: Hindi pa alam
Taas: Hindi pa alam
Armas / Kapangyarihan: May kakayahang sumanib sa katawan ng ibang tao,at kayang magpalabas ng mga halimaw
Pag-uugali: Sobrang sama
Amiboshi (Ang kakambal ni Suboshi, ang pagkawala niya noong unang bahagi ng istorya ang syang naging dahilan ng pagkabaliw ni Suboshi.)
Tunay na pangalan: Bu Koutoku
Alyas: Kaika
Ipinanganak noong: 26 August
Edad: 15
Taas: 168 cm
Armas / Kapangyarihan: Gumagamit ng kapangyarihan gamit ang plawta
Pag-uugali: Walang hilig sa away o gulo.gustong maging suzaku wariors
Suboshi
Tunay na pangalan: Bu Shunkaku
Ipinanganak noong: 26 Agosto
Edad: 15
Taas: 168 cm
Armas / Kapangyarihan: Pag-galaw ng bagay sa pamamagitan ng isip, may armas na Ryuuseisui
Pag-uugali: Umiibig kay Yui. Isang baliw.
Ashitare
Tunay na pangalang: Hindi pa alam
Ipinanganak noong: 21 Nobyembre
Edad: 35
Taas: 213 cm
Tomo
Tunay na pangalan: Hindi pa alam
Alyas: Ragun (Ruo Chuin sa Intsik)
Ipinanganak noong: 13 Oktubre
Edad: 21
Taas: 184 cm
Armas/Kapangyarihan: Paggawa ng ilusyon gamit ang kabibeng "Shin"
Pag-uugali: Dahil pinabayaan siya ng kanyang mga magulang mula sa kanyang pagkabata ay lumaking masama si Tomo. May gusto siya kay Nakago, ngunit hindi niya ito masabi sa kanya nang harap-harapan. Dahil dito ay hindi sila nagkakasundo ni Soi, ngunit kaya nilang magtrabaho nang sabayan kung kinakailangan.