From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga Monggol (Mongol: Монголчууд, Mongolchuud) ay isang Gitnang Asya na pangkat etniko na katutubo sa Mongolia at ng Panloob na Mongolia na Awtonomikong Rehiyon ng Tsina. Naninirahan din sila bilang mga minorya sa kahabaan ng Hilagang Asya, kabilang na ang iba pang mga rehiyon ng Tsina at pati na rin sa Rusya, at marami sa dating mga estadong Sobyet. Ang mga taong Monggoliko na kabilang sa pangkat na etnikong Buryat ay maramihang naninirahan sa ngayon sa pangkasalukuyang mayroong awtonomiyang republika ng Buryatia, Rusya. Sa Tsina, pangunahin silang naninirahan sa Panloob na Monggolya o, mas mababa ang bilang sa pangkaraniwan, sa Xinjiang. Pinag-aanib-anib ang mga taong Monggoliko ng isang karaniwang kultura at wika, isang kapangkatan ng magkakaugnay na mga wika na nakikilala bilang mga wikang Monggol.
Kabuuang populasyon | |
---|---|
10 milyon (2010) | |
Mga rehiyong may malaking bilang nila | |
Tsina (Panloob na Mongolia) | 5,981,840 (2010)[1] |
Mongolia | 2,921,287[2] |
Rusya | 647,417[3] |
Timog Korea | 34,000[4] |
Estados Unidos | 15,000–18,000[5] |
Kyrgyzstan | 12,000[6] |
Republikang Tseko | 7,515[7] |
Hapon | 5,401[8] |
Canada | 5,350[9] |
Alemanya | 3,852[8] |
United Kingdom | 3,701[8] |
Pransiya | 2,859[8] |
Turkey | 2,645[8] |
Kazakhstan | 2,523[8] |
Austria | 1,955[10] |
Malaysia | 1,500[8] |
Wika | |
Mongolian language | |
Relihiyon | |
Namamayaning Budismong Tibetano, background ng shamanismo.[11][12][13][14] minority Sunni Islam, Eastern Orthodox Church, at Protestantism. | |
Kaugnay na mga pangkat-etniko | |
Proto-Mongols, Khitan people |
Sa mga wikang Tunggusiko, ang pangalang Monggol ay may karaniwang kahulugang "ang mga hindi malulupig", "ang mga hindi matatalo (walang talo)" o "ang mga hindi masusupil". Sa malawak na kahulugan, ang kataga ay kinabibilangan ng talagang kumikilala sa kanilang mga sarili bilang talaga o tunay na mga Monggol (Mongol proper, na nakikilala bilang mga mga Monggol na Khalkha), ang mga Buryat, mga Oirat, mga Kalmyk ng Silangang Europa, at mga Moghol (tribong Mughal). Sa ganitong diwa at mahigpit na kahulugan, ang mga Monggol ay maaaring hatiin sa dalawa: ang mga Monggol ng Silangan at ang mga Monggol ng Kanluran.
Ang designasyon o itinalagang katawagang "Monggol" ay maiksing lumitaw sa mga talaan noong ika-8 daantaon ng Tsino na Dinastiyang Tang, na naglalarawan ng isang tribo ng Shiwei, na isang maliit na tribo na noon ay nasa pook ng Ilog Onon. Muling lumitaw ang pangalang Monggol noong huli ng ika-11 daantaon noong panahon ng pamumuno ng Khitan. Pagkaraan ng pagbagsak ng dinastiya ng Liao noong 1125, ang mga Monggol ay naging isang nangungunang tribo sa kapatagan at nagkaroon din ng kapangyarihan sa Hilagang Tsina. Subalit, ang kanilang pakikidigma sa Dinastiya ng Jin at sa mga Tatar ang nakapagpahina sa kanila. Noong ika-13 daantaon, ang lumawak ang salitang Monggol upang maging isang katagang sumusukob o sumasaklaw sa isang malaking pangkat ng mga tribong Monggoliko na nagkaisa sa ilalim ng pamumuno ni Genghis Khan.[15]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.