From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga Eslabo ay ang pinakamalaking pangkat etnolingguwistiko sa Europa.[1] Nagsasalita sila ng iba't ibang wikang Eslabo, na kabilang sa mas malaking sangay ng Balto-Eslabo ng mga wikang Indo-Europeo. Ang mga Eslabo ay heograpikal na nakakalat sa buong hilagang Eurasia, higit sa lahat ay naninirahan sa Gitna at Silangang Europa, at ang mga Balkan sa kanluran; at Siberya sa silangan. Ang isang malaking minoridad ng mga Eslabo ay nakakalat din sa buong mga estadong Baltiko at Gitnang Asya,[2][3] habang ang isang malaking Eslabong diaspora ay matatagpuan sa buong Kaamerikahan, bilang resulta ng pandarayuhan.
Ang mga kasalukuyang Eslabo ay inuri sa mga Silangang Eslabo (pangunahing mga Belaruso, Ruso, Rusino, at Ukranyo), mga Kanlurang Eslabo (pangunahing mga Tseko, Casubio, Polako, Eslovaco, Silesio, at Sorbo), at mga Timog Eslabo (pangunahing Bosniaco, Bulgaro, Croata, Macedonio, Macedonio Montenegrino, Serbio, at Esloveno).[4][5][6]
Ang karamihan sa mga Eslabo ay tradisyonal na mga Kristiyano. Gayunpaman, ang mga modernong Eslabong bayan at mga pangkat etniko ay malaki ang pagkakaiba-iba pareho sa henetiko at kultura, at ang mga ugnayan sa pagitan nila - kahit na sa loob ng mga indibidwal na grupo - mula sa "pakikipagkaisa ng etniko hanggang sa damdaming magkaaway".[7]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.