Ang mga Eskito (Ingles: mga Scythian o mga Scyth; Griyego: Σκύθης, Σκύθοι) ay mga sinaunang taong Irani na pagala-gala o nomadikong mga pastol, na naglakbay upang makalipat mula sa Gitnang Asya papunta sa timog Rusya noong ika-8 at ika-7 mga daang taon BK,[1][2] na namayani sa malawak na kapatagang madamo ng Pontiko at Kaspyano noong kapanahunan ng kabuoan ng Klasikong Sinaunang Panahon. Dating kilala ang madamong kapatagang ito bilang Eskita o Scythia sa wikang Ingles. Pagsapit ng Huling Sinaunang Panahon, ang napakakalapit na mga Sarmatyano ang namayani sa mga Eskita sa lugar na ito. Karamihan sa mga nakaligtas na mga kabatiran ukol sa mga Eskita ang nagmula kay Herodotus, isang Griyegong manunulat ng kasaysayan (sirka 440 BK), mula sa kanyang Mga Kasaysayan, at sa natagpuan ng mga arkeologo na maganda ang pagkakayaring bagay na yari sa ginto sa isang mga kurgang Eskito o mga "buntong libingan" sa Ukranya at Katimugang Rusya.

Thumb
Isang mandirigmang Eskito noong pangalawang bahagi ng ika-7 at ika-6 na daang taon BK.

Ginamit din ang pangalang "Eskito" upang tukuyin ang samu't saring mga taong nakikita bilang katulad ng tunay na mga Eskito, o iyung mga nanirahan sa alin mang pook sa malawak na lugar na sumasakop sa pangkasalukuyang Ukranya, Rusya, at Gitnang Asya. Noong panahong midyibal, nakikilala ang Gitnang Asya bilang Eskita.[3] Noong 2,000 mga taon na ang nakalilipas, nanirahan ang tribong Eskito sa Eskita, ang katimugang bahagi na nakilala kamakailan lamang bilang ang Unyong Sobyet.[4]

Kasaysayan

Dating nakatira ang mga Eskito sa paligid ng Bulubundukin ng Altai sa Gitnang Asya. Nagsimula nilang lisanin ang kanilang pook na pinagmulan upang makapaglakbay pakanluran noong bandang 800 BK. Pagdating ng 650 BK, nasakop nila ang hilagang Iran at ang katimugang Turkiya. Pagkaraang mapaalis ang mga Eskito ng mga Medes ng Persiya, nanatili sila sa katimugang U.S.S.R. at sa Krimea. May ilang mga Eskitong pumunta sa silangang Europa, hanggang Polonya at Unggarya.[4]

Noong dekada ng 100 AD, nasakop ng mga Goth ang mga Eskito.[4]

Paglalarawan

Bilang mga mandirigma, mahusay sa paggamit ng mga pana at sa pangangabayo ang mga Eskito. Naglalaman ang kanilang mga libingan ng mga gawang lilok at mga kasangkapang pangluto na mainam ang pagkakalikha, na yari sa ginto, pilak, at iba pang uri ng mga metal.[4]

Ilan sa mga libingan ng mga Eskito na natuklasan ng mga arkeologo sa Bulubundukin ng Altai ang napanatili dahil sa paninigas at pagkabalot ng niyebe o yelo.[4]

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.