Mel Tiangco

From Wikipedia, the free encyclopedia

Si Carmela Tiangco (ipinanganak Agosto 10, 1955) o higit na kilala bilang Mel Tiangco ay isang babaeng mamamahayag sa Pilipinas. Itinatag niya ang GMA Kapuso Foundation at ginawaran siya ng Rotary Peace Award ng Rotary International District 3830.[1][2][3]

Agarang impormasyon Kapanganakan, Trabaho ...
Mel Tiangco
Kapanganakan
Carmela Tiangco

(1955-08-10) 10 Agosto 1955 (edad 69)
TrabahoMamamahayag
Aktibong taon1987–kasalukuyan
Isara

Personal na buhay

Ipinanganak si Mel Tiangco noong Agosto 10, 1955.[4] Kasama si Wency Cornejo sa apat na mga anak ni Mel Tiangco.[5] Mayroon rin siyang apat na apo.[5]

Mamamahayag

Nagsimula ang karera ni Mel Tiangco bilang tagabasa ng balita sa PTV 4.[5][6] Pagkatapos ng unang Rebolusyon sa EDSA ay kasama si Mel Tiangco sa mga hindi na kinuha ulit ng PTV 4 noong natapos ang kanilang kontrata.[5]

Naging tagapagbalita si Mel Tiangco sa palabas na TV Patrol simula 1987, katuwang na host sa palabas na Mel & Jay simula 1991, at tagapagpaganap na direktor ng Lingkod Bayan ng ABS-CBN Corporation.[7][3][5] Sinuspinde siya ng ABS-CBN Corporation noong 1995 dahil sa kanyang paglabas sa isang patalastas ng sabong panglabang Tide.[8] Ito ang naging dahilan ng paglipat ni Mel Tiangco mula sa ABS-CBN papuntang GMA Network noong 1996.[8]

Sa GMA Network ay kasama si Mel Tiangco sa mga punong tagapagpahayag ng balita sa mga palabas na Saksi simula 1996, Frontpage: Ulat Ni Mel Tiangco, at 24 Oras simula 2004.[2][9]

Serbisyo publiko

Pinamumunuan ni Mel Tiangco ang palabas sa telebisyon na Magpakailanman na naghahatid ng mga kwentong nagbibigay ng inspirasyon noong nagsimula ito noong 2002 hanggang 2008 at noong ito'y muling inilunsad noong 2012.[2][1] Siya din ang nagtatag ng GMA Kapuso Foundation na isang sosyo-sibikong bahagi ng GMA Network.[1]

Parangal na natanggap

Iginawad kay Mel Tiangco ang Rotary Peace Award ng Rotary International District 3830 noong 2019.[2] Siya ay nasa Hall of Fame na ng Anak TV o Makabata Award at ng EdukCircle bilang Outstanding Journalist in Public Service.[2]

Kasama sa iba pa niyang natanggap na parangal ay ang PMPC Star Awards for Television, KPB Golden Dove Award, at Ten Outstanding Women in Nation Service - Public Service and Journalism.[10]

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.