Ilog Mekong
pangunahing ilog sa Timog-silangang Asya From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Mekong o Ilog Mekong ay isang ilog sa Silangang Asya at Timog-silangang Asya. Ito ang ika-12 sa mga pinakamahabang itlog sa mundo at ika-3 sa pinakamahaba sa Asya[1] na may tinatantiyang haba na 4,909 km (3,050 mi)[1] at paagusan na may lawak na 795,000 km2 (307,000 mi kuw), na naglalabas ng 475 km3 (114 cu mi) ng tubig kada taon.[2] Mula sa pinagmumulan nito sa Talampas ng Tibet, dumadaloy ang ilog sa Timog-kanlurang Tsina (kung saan ito ay opisyal na tinatawag na Ilog Lancang), Myanmar, Laos, Taylandiya, Kambodya, at timugang Biyetnam. Nagpapahirap sa nabigasyon sa Mekong ang matinding kapanahun-kapanahunang baryasyon ng daloy at presensiya ng mga mabibilis na agos at talon. Gayunpaman, isang pangunahing ruta ng kalakalan ang ilog para sa Tibet at Timog-silangang Asya. Ang pagtatayo ng mga prinsang hidroelektriko sa kahabaan ng Mekong noong d. 2000 hanggang d. 2020 ay nagdulot ng mga malulubhang problema sa ekosistema ng ilog, kabilang dito ang pagpalala ng tagtuyot.[3][4][5]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads