Marvel Cinematic Universe
Hinirayang Palabas From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Marvel Cinematic Universe (MCU) ay isang shared universe na nilika ng Marvel Studios na hango sa mga karakter na lumalabas sa mga komiks na inilalathala ng Marvel Comics. Kinabibilangan ito ng iba't ibang pelikula, mga komiks, maikling pelikula, mga palabas sa telebisyon, at mga seryeng digital. Ang MCU, katulad ng mga istorya sa komiks, ay may magkakaugnay na balangkas, mga karakter at tagpo. Si Phil Coulson, na ginagampanan ni Clark Gregg, ang natatanging orihinal na karakter ng MCU na lumabas sa lahat ng media ng MCU.
Ang unang pelikula ng MCU ay ang Iron Man (2008), na naging hudyat ng pagsisimula ng Phase One ng MCU at nagtapos sa pelikulang Marvel's The Avengers (2012). Nagumpisa naman ang Phase Two sa pelikulang Iron Man 3 (2013) at nagtapos sa Ant-Man (2015). Ang mga pelikulang ipinapalabas ngayon na nasa Phase Three ay nagsimula sa pelikulang Captain America: Civil War (2016) at ito ay magtatapos sa Avengers: Endgame (2019).
Pagbuo
Mga pelikula
Noong 2005, planong gumawa ng sariling pelikula ng Marvel Entertainment at ipalabas ang mga ito sa pamamagitan ng Paramount Pictures. Noon pa man, ang Marvel ay naglilimbag na ng ilang pelikula at kasama nito sa produksyon ang iba't ibang estudyo tulad ng Columbia Pictures, New Line Cinema at iba pa, kabilang na ang pitong-taon na kasunduan sa 20th Century Fox.
Mga pelikula
Pelikula | Petsa ng pagpapalabas (Estados Unidos) |
Direksyon | (mga) Tagasulat ng senaryo | Produksiyon | Katayuan |
---|---|---|---|---|---|
Phase One | |||||
Iron Man | 2 Mayo 2008 | Jon Favreau[1] | Mark Fergus & Hawk Ostby at Art Marcum & Matt Holloway[1][2] | Avi Arad and Kevin Feige | Naipalabas na |
The Incredible Hulk | 13 Hunyo 2008 | Louis Leterrier[3] | Zak Penn[4] | Avi Arad, Gale Anne Hurd and Kevin Feige | |
Iron Man 2 | 7 Mayo 2010 | Jon Favreau[5] | Justin Theroux[6] | Kevin Feige | |
Thor | 6 Mayo 2011 | Kenneth Branagh[7] | Ashley Edward Miller & Zack Stentz at Don Payne[8] | ||
Captain America: The First Avenger | 22 Hulyo 2011 | Joe Johnston[9] | Christopher Markus at Stephen McFeely[10] | ||
Marvel's The Avengers | 4 Mayo 2012 | Joss Whedon[11] | |||
Phase Two | |||||
Iron Man 3 | 3 Mayo 2013 | Shane Black[12] | Drew Pearce at Shane Black[12][13] | Kevin Feige | Naipalabas na |
Thor: The Dark World | 8 Nobyembre 2013 | Alan Taylor[14] | Christopher L. Yost at Christopher Markus & Stephen McFeely[15] | ||
Captain America: The Winter Soldier | 4 Abril 2014 | Anthony at Joe Russo[16] | Christopher Markus & Stephen McFeely[17] | ||
Guardians of the Galaxy | 1 Agosto 2014 | James Gunn[18] | James Gunn at Nicole Perlman[19] | ||
Avengers: Age of Ultron | 1 Mayo 2015 | Joss Whedon[20] | |||
Ant-Man | 17 Hulyo 2015 | Peyton Reed[21] | Edgar Wright & Joe Cornish at Adam McKay & Paul Rudd[22] | ||
Phase Three | |||||
Captain America: Civil War | 6 Mayo 2016 | Anthony at Joe Russo[23] | Christopher Markus & Stephen McFeely[23] | Kevin Feige | Naipalabas na |
Doctor Strange | 4 Nobyembre 2016 | Scott Derrickson[24] | Jon Spaihts at Scott Derrickson & C. Robert Cargill[25] | ||
Guardians of the Galaxy Vol. 2 | 5 Mayo 2017 | James Gunn[19] | |||
Spider-Man: Homecoming | 7 Hulyo 2017 | Jon Watts[26] | Jonathan Goldstein & John Francis Daley at Jon Watts & Christopher Ford at Chris McKenna & Erik Sommers[27] |
Kevin Feige and Amy Pascal | |
Thor: Ragnarok | 3 Nobyembre 2017 | Taika Waititi[28] | Eric Pearson at Craig Kyle & Christopher L. Yost[29][30] | Kevin Feige | |
Black Panther | 16 Pebrero 2018 | Ryan Coogler[31] | Ryan Coogler & Joe Robert Cole[32][33] | ||
Avengers: Infinity War | 27 Abril 2018 | Anthony at Joe Russo[34] | Christopher Markus & Stephen McFeely[35] | ||
Ant-Man and the Wasp | 6 Hulyo 2018 | Peyton Reed[36] | Chris McKenna & Erik Sommers at Paul Rudd & Andrew Barrer & Gabriel Ferrari[37] |
Kevin Feige at Stephen Broussard | |
Mga sanggunian
Mga kawil panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.