Pilipinong opisyal ng kalusugang pambubliko From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Maria Rosario Clarissa Singh-Vergeire [3][4] (ipinanganak bilang Maria Rosario Clarissa Dumandan Sinh) ay isang Pilipinang manggagamot at opisyal ng kalusugang pampubliko na nagsisilbi bilang Umaaktong Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan mula noong Hulyo 14, 2022, kasunod ng kanyang pagtatalaga sa puwesto ni Pangulong Bongbong Marcos.[5]
Undersecretary Maria Rosario Vergeire M.D., MPH, CESO II | |
---|---|
Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan | |
Nasa puwesto Hulyo 14, 2022 – Hunyo 5, 2023 | |
Pangulo | Bongbong Marcos |
Nakaraang sinundan | Francisco Duque III |
Sinundan ni | Ted Herbosa |
Personal na detalye | |
Isinilang | Maria Rosario Clarissa Dumandan Singh[1] |
Ama | Clara Dumandan Singh[2] |
Ina | Harry Singh[kailangan ng sanggunian] |
Kaanak | Maria Filomena Singh (sister) |
Alma mater | University of Santo Tomas (BS) De La Salle Medical and Health Sciences Institute (MD) University of the Philippines Manila (MPH) |
Naglingkod siya bilang umaaktong kalihim pati na rin ang tagapagsalita ng Kagawaran ng Kalusugan mula noong 2015 sa ilalim ng administrasyong Benigno Aquino III at Rodrigo Duterte.[3][6]
Siya ang ikatlo sa anim na anak na ipinanganak ng punong barangay na si Harry Singh at ng abogadang si Clara Singh, habang ang kanyang kapatid na si Maria Filomena Singh ay isang abogado at hukom na kasalukuyang nagsisilbi bilang Associate Justice ng Korte Suprema mula noong 2022;[7] nakatira ang kanilang pamilya sa Marikina. Nakuha ni Vergeire ang kanyang digring pagkabatsilyer sa zoolohiya mula sa Unibersidad ng Santo Tomas at ang kanyang Pagkadoktor sa Medisina mula sa Kolehiyong De La Salle ng Medisina (ngayon ay De La Salle Medical and Health Sciences Institute ). Pagkatapos ay nakakuha siya ng digring Master sa Public Health mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Manila.[8]
Simula noong 1996, gumugol si Vergeire ng 11 taon sa pagtatrabaho sa Opisinang Kalusugan ng Lungsod ng Marikina. Sumali siya sa Kagawaran ng Kalusugan noong 2007 bilang isang medical officer sa Health Policy Development and Planning Bureau.[9][8]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.