Imperyo sa isla ng Java noong 1294 hanggang humigit-kumulang 1500 From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Majapahit ay dating malawak na imperyong kapuluan na nakabase sa pulo ng Java (Indonesia ngayon) mula 1293 hanggang sa mga 1500.
Umusbong ang imperyong Majapahit matapos ang bigong pananakop ng mga Mongol sa Java. Noong 1293, tinangkang lusubin ang Java ng mga Mongol sa pamumuno ni Kublai Khan ngunit tinalo sila ng hukbong taga-Java sa pamumuno ni Raden Wijaya at ng kaniyang Punong Ministro na si Hayam Wuruk. Naging tuntungan ang tagumpay na ito ng mga pinunong Majapahit na sumakop ng ibang kaharian.
Naabot ng Majapahit ang rurok ng kapangyarihan sa pamumuno ni Gadja Mahda. Nagawa nitong masakop ang Java, Sumatra, Borneo, at ang Tangway ng Malayo. Naganap ito noong dekada 1350. Gayunman, humina ang imperyong Majapahit nang dumating ang mga Muslim sa Tangway ng Malayo at sa Java. Bumagsak ang Majapahit sa kamay ng mga Muslim noong 1528. Maging ang huling hari ng Majapahit ay yumakap din sa Islam. Nagbigay-daan ito sa tuluyang pamamayani ng Islam.
Pinakahuli ang imperyong Majapahit sa mga pangunahing imperyong Hindu ng kapuluang Malay at ibinibilang sa isa isa mga pinakadakilang estado sa kasaysayan ng Indonesia.[1] Umabot ang impluwensiya nito sa mga estado sa Sumatra, tangway ng Malay, Borneo, at silangang Indonesya, bagaman pinagtatalunan ang sakop nito.[2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.