Kinabibilangan ang lutuing Kastila (o Espanyol) ng mga tradisyon sa pagluluto at gawi mula sa Espanya. Nagtatampok ito ng pagkasari-sari ng mga rehiyon, na may importanteng pagkakaiba ng mga tradisyon mula sa bawat bahagi ng bansa.

Thumb
Thumb
Thumb
Thumb
Thumb
Thumb
Paikot sa kanan mula sa kaliwang itaas; paella de marisco, mga hiwa ng jamón ibérico, tortilla de patatas, pintxos, polbo á feira, at fabada asturiana

Gamit na gamit ang langis ng oliba (na nagkataon na Espanya ang pinakamalaking prodyuser nito) sa lutuing Kastila.[1][2] Bumubuo ito ng pundasyon para maraming sarsang gulay (kilala sa Kastila bilang sofritos).[3] Kabilang sa mga pinakakaraniwang yerba na ginagamit ang perehil, oregano, dumero at tomilyo.[4] Naitala ang karaniwang paggamit ng bawang sa lutuing Kastila.[5] Kabilang naman sa mga pinakaginagamit na karne sa lutuing Kastila ang manok, baboy, tupa at guya.[6] Kinakain din nang palagian ang isda at pagkaing-dagat.[6] Mga meryenda at pampagana ang tapas at pinchos na karaniwang inihahain sa mga bar at kapihan.

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.