Ang Ohio ( /ˈh./ oh-HY-oh )[14] ay isang estado sa rehiyon ng Gitnang-kanlurang Estados Unidos. Pinapalibutan ang Ohio ng Lawa ng Erie sa hilaga, Pennsylvania sa silangan, Kanlurang Virginia sa timog-silangan, Kentucky sa timog-kanluran, Indiana sa kanluran, at Michigan sa hilagang-kanluran. Sa 50 estado ng Estados Unidos, ito ang ika-34 na pinakamalaki ayon sa laki ng sukat. Sa populasyon na halos 11.8 milyon, ito ang ikapitong pinakamatao at ikasampu sa pinakamakapal na populasyon na estado. Columbus ang kabisera nito at pinakamataong lungsod, kasama ang iba pang malalaking sentro ng populasyon kabilang ang Cleveland, Cincinnati, Dayton, Akron, at Toledo. Binansagan ang Ohio na "Buckeye State" o "Estadong Buckeye" dahil sa mga punong buckeye sa Ohio, at tinatawag ang mga taga-Ohio bilang "mga Buckeye".[11] Natatangi ang watawat ng Ohio sa lahat ng watawat ng estado ng Estados Unidos dahil ito lamang ang may watawat na hindi hugis paraihaba.

Agarang impormasyon Bansa, Sumali sa Unyon ...
Ohio
State of Ohio (Estado ng Ohio)
Thumb
Watawat
Thumb
Sagisag
Mga palayaw: 
The Buckeye State; (Ang Estadong Buckeye)
Birthplace of Aviation (Kapanganakan ng Abyasyon); The Heart of It All (Ang Puso Nitong Lahat)
Bansag: 
"With God, all things are possible"[1] (Sa Diyos, ang lahat ng mga bagay ay maaaring mangyari)
Awit: "Beautiful Ohio"[2] (Magandang Ohio)
Thumb
Mapa ng Estados Unidos na nakatampok ang Ohio
BansaEstados Unidos
Sumali sa Unyon1 Marso 1803; 221 taon na'ng nakalipas (1803-03-01)[3] (ika-17,
retroaktibong dineklara noong
7 Agosto 1953; 71 taon na'ng nakalipas (1953-08-07)[4])
Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Columbus[5][6]
Pinakamalaking kondado o katumbas nitoKondado ng Franklin, Ohio
Pinakamalaking kalakhan at urbanong lugarKalakhang Cleveland (pinagsama at urbano)
Cincinnati (kalkahan)
Columbus (kalakhan)
(tingnan ang talababa)[lower-alpha 1]
Pamahalaan
  GobernadorMike DeWine (R)
  Gobernador TinyenteJon Husted (R)
LehislaturaAsembleyang Pangkalahatan
  Mataas na kapulunganSenado
  [Mababang kapulunganKapulungan ng Kinatawan
HudikaturaKorte Suprema ng Ohio
Mga senador ng Estados UnidosSherrod Brown (D)
JD Vance(R)
Delegasyon sa Kamara ng Estados Unidos10 Republikano
5 Demokrata
Lawak
  Kabuuan44,825 milya kuwadrado (116,096 km2)
  Lupa40,948 milya kuwadrado (106,156 km2)
  Tubig3,877 milya kuwadrado (10,040 km2)  8.7%
Ranggo sa lawakIka-34
Sukat
  Haba220 mi (355 km)
  Lapad220 mi (355 km)
Taas
850 tal (260 m)
Pinakamataas na pook
(Burol ng Campbell[8][lower-alpha 2])
1,549 tal (472 m)
Pinakamababang pook
(Ilog Ohio sa hangganan ng Indiana[8][lower-alpha 2])
455 tal (139 m)
Populasyon
 (2023)
  Kabuuan11,785,935[9]
  RanggoIka-7
  Kapal282/milya kuwadrado (109/km2)
  Ranggo sa densidadika-10
  Panggitnang kita ng sambahayanan
$54,021[10]
  Ranggo ng kita
ika−36
DemonymOhioan (Ohiyoano); Buckeye[11] (kolokyal)
Wika
  Opisyal na wikaDe jure: Wala
De facto: Ingles
  Sinasalitang wikaIngles 93.3%
Kastila 2.2%
Iba pa 4.5%[12]
Sona ng orasUTC– 05:00 (Silanganin)
  Tag-init (DST)UTC– 04:00 (EDT)
Daglat ng USPS
Kodigo ng ISO 3166US-OH
Tradisyunal na pagdadaglatO., Oh.
Latitud38°24′ N to 41°59′ N
Longhitud80°31′ W to 84°49′ W
Websaytohio.gov
Isara

Kinuha ng Ohio ang pangalan nito mula sa Ilog Ohio na bumubuo sa katimugang hangganan nito, na nagmula naman sa salitang Seneca na ohiːyo', ibig sabihin, "magandang ilog", "malaking ilog", o "malaking sapa".[15] Tahanan ang estado ng ilang mga sinaunang katutubong sibilisasyon, na may mga tao na noon pang 10,000 BCE. Umusbong ito mula sa mga lupain sa kanluran ng Bulubunduking Apaleches na pinagtatalunan ng iba't ibang katutubong lipi at mga kolonistang Europeo mula noong ika-17 dantaon hanggang sa Mga Digmaang Hilagang-kanlurang Indiyano noong huling bahagi ng ika-18 dantaon. Nahati ang Ohio mula sa Teritoryong Hilagang-kanluran, ang unang hangganang pinanirahan ng tao ng bagong Estados Unidos, na naging ika-17 na estado na natanggap sa Unyon noong Marso 1, 1803, at ang una sa ilalim ng Ordinasang Hilagang-kanluran.[3][16] Ito ang unang poskolonyal na malayang estado na pinasok sa unyon at naging isa sa pinakamaaga at pinakamaimpluwensyang industriyal na napakalakas noong ika-20 dantaon. Bagaman lumipat ito sa ekonomiyang mas nakatuon sa impormasyon at nakabatay sa serbisyo noong ika-21 siglo, nananatili itong isang industriyal na estado, na nagraranggo sa ikapito sa GDP sa pagsapit ng 2019,[17] kasama ang ikatlong pinakamalaking sektor ng pagmamanupaktura at pangalawang pinakamalaking produksyon ng sasakyan.[18]

Minodelo sa pederal na katumbas nito, binubuo ang pamahalaan ng Ohio ng sangay na ehekutibo, na pinamumunuan ng gobernador; ang sangay na pambatasan, na binubuo ng dalawahang-kamara na Asembleyang Pangkalahatan ng Ohio; at ang sangay ng hudikatura, na pinamumunuan ng Korte Suprema ng estado. Sinasakop ng Ohio ang 15 puwesto sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos, ang ikapitong pinakamalaking delegasyon.[19] Pitong presidente ng Estados Unidos (sina Ulysses S. Grant, Rutherford Hayes, James Garfield, Benjamin Harrison, William McKinley, William Howard Taft, at Warren G. Harding) ang nagmula sa Ohio, na tinaguriang "Ina ng mga Pangulo".[20] Kapag may halalang pampanguluhan, tinuturing ang Ohio na swing state o estadong pabago-bago ang isip, na nagpapanalo ng alim man sa mga kandidato ng Demokrata o Republikano mula sa isang eleksyon hanggang sa isa pang eleksyon. Bilang isang estadong pabago-bago ang isip, kadalasang tinatarget sila ng mga kampanya ng parehong pangunahing-partido, lalo na sa halalang malakas ang kompetisyon.[21] Mahalaga sa halalan ng 1888, naging regular ang Ohio bilang isang estadong pabago-bago ang isip simula noong 1980.[22][23]

Kabilang sa ilang kilalang tao mula sa Ohio ang naggo-golf na si Jack Nicklaus, sina Wilbur at Orville Wright, mga astronautang sina John Glenn at Neil Armstrong, mga may-akdang sina Sherwood Anderson and Toni Morrison,[24] at mga artistang sina Clark Gable at Katie Holmes.

Heograpiya

Thumb
Matatagpuan ang Put-in-Bay sa Pulo ng Timog Bass, isa sa mga Pulo ng Lawa ng Erie ng Ohio.

Naging mahalaga ang lokasyon ng Ohio para sa pagpalawak at paglago ng ekonomiya. Dahil nakakabit ang estado sa Hilagang-silangan at Gitnang-kanluran, dumadaan karamihan ang trapik ng karagamento sa hangganan nito sa mga mahusay na binuong mga daang-bayan. Ikasampung pinakamalaking network ng daang-bayan sa Estados Unidos ang mayroon sa Ohio at nalalakbay ito ng mga sasakyan ng isang araw lamang ng 50% ng populasyon ng mga taga-Hilagang Amerika at 70% ng kapasidad ng pagmamanapaktura ng Hilagang Amerika.[25] Tungong hilaga, mayroon ang Ohio ng 312 milya (502 km) ng baybayin sa Lawa ng Erie,[26] na pinapahintulutan ang maraming daungan ng kargamento tulad ng sa Cleveland at Toledo. Natutukoy ang katimugang hangganan ng Ohio ng Ilog Ohio. Ang katabing estado ng Ohio ay ang Pennsylvania sa silangan, Michigan sa hilagang-kanluran, Indiana sa kanluran, Kentucky sa timog, at Kanlurang Virginia sa timog-silangan. Nabigyang kahulugan ang mga hangganan ng Ohio sa sukat at hangganan sa Pinapaganang Batas (Enabling Act) ng 1802.

Thumb
Tanaw ng Ilog Ohio malapit sa Portsmouth, Ohio

Napapaligiran ang Ohio ng Ilog Ohio, subalit halos lahat ng ilog ay nasasakupan ng Kentucky at Kanlurang Virginia. Noong 1980, pinasyahan ng Korte Suprema ng Estados Unidos, na batay sa pananalita ng pagtigil ng teritoryo ng Virginia (na noong panahon na iyon ay kabilang sa ngayon ay Kentucky at Kanlurang Virginia), ang hangganan sa pagitan ng Ohio at Kentucky (at, sa implikasyon, Kanlurang Virginia) ay ang hilagang markang mababang-tubig na ilog nang umiral ito noong 1792.[27] Mayroon lamang ang Ohio ng posyon ng ilog sa pagitan ng markang mababang-tubig ng 1792 at ang kasalukuyang markang mataas-na-tubig. Nabago din ang hangganan sa Michigan, bilang resulta ng Digmaang Toledo, sa anggulong bahagyang hilagang-silangan sa hilagang baybayin ng bunganga ng Ilog Maumee.

Mga lungsod

Thumb
Mapa ng kakapalan ng populasyon sa Ohio

Mayroong 13 metropolitan statistical area (MSA, lugar pang-estadistikong kalakhan) sa Ohio, na nakaangkla sa 16 na lungsod, na tinutukoy ng Tanggapan ng Pamamahala at Badyet ng Estados Unidos. Karagdagan dito, 30 mga lungsod sa Ohio ang gumaganap bilang mga sentro ng mga micropolitan statistical area (lugar pang-estadistikong mikropolitan), mga urbanong kumpol na mas maliit sa mga lugar na kalakhan. Ang tatlong malalaking lungsod sa Ohio ay Columbus, Cleveland, at Cincinnati.

Columbus ang kabisera ng estado, malapit sa heograpikong sentro nito, at napakakilala ito sa Pamantasang Estatal ng Ohio. Noong 2019, mayroon ang lungsod ng anim na korporasyon na pinangalan sa talang Fortune 500 ng Estados Unidos: Alliance Data, Nationwide Mutual Insurance Company, American Electric Power, L Brands, Huntington Bancshares, at Cardinal Health sa suburbanong Dublin.[28][29] Kabilang sa pangunahing maypagawa ang mga ospital (tulad ng Wexner Medical Center at Nationwide Children's Hospital bukod sa iba pa), ang mataas na teknolohiyang pananaliksik at pagsusulong kabilang ang Battelle Memorial Institute, mga kompanyang nakabatay sa impormasyon tulad ng OCLC at Chemical Abstracts Service, tagapagmanapakturang Worthington Industries, at institusyong pananalapi tulad ng JPMorgan Chase at Huntington Bancshares. Nasa Columbus din ang punong himpilan ng mga restawrang pangmadaliang pagkain na Wendy's at White Castle.

Matatagpuan sa Hilagang-silangang Ohio sa may baybayin ng Lawa ng Erie, nakikilala ang Cleveland sa pamanang Bagong Inglatera nito, mga kalinangan ng imigranteng etniko, at kasaysayan bilang isang pangunahing sentro ng pagmamanapaktura at pangangalaga ng kalusugan. Inaangkla nito ang Cleveland–Akron–Canton na Pinagsamang Lugar Pang-estadistiko, kung saan ang mga lungsod ng Akron at Canton ang mga bumubuong bahagi. Ang Mansfield, Sandusky at Youngstown ay pangunahing lungsod din sa rehiyon. Kilala ang Hilagang-silangang Ohio para sa pangunahing kompanyang pang-industriya na Goodyear Tire and Rubber at Timken, mga mataas-na-niraranggong kolehiyo na Pamantasang Case Western Reserve, Kolehiyong Oberlin, at Pamantasang Estatal ng Kent, ang Klinikang Cleveland, at mga atraksyong pangkultura kabilang ang Cleveland Museum of Art (Museo ng Sining ng Cleveland), kasapi ng Big Five (Malaking Lima) na Cleveland Orchestra (Orkestrang Clevland), Cuyahoga Valley National Park (Pambansang Liwasan ng Lambak ng Cuyahoga), Playhouse Square (Plasang Playhouse), ang Pro Football Hall of Fame (Bulwagan ng Sikat sa Pro Putbol), at ang Rock and Roll Hall of Fame (Bulwagan ng Sikat sa Rakenrol).

Inaangkla ng Cincinnati ang Timog-kanlurang Ohio at ang kalakhang lugar ng Cincinnati, na sumasaklaw din sa mga kondado sa Kentucky at Indiana. Tahanan ang kalakhan lugar sa Pamantasang Miami at ang Unibersidad ng Cincinnati, Unyong Terminal ng Cincinnati, Orkestrang Simponya ng Cincinnati, at iba't ibang kompanyang Fortune 500, kabilang ang Procter & Gamble, Kroger, Macy's, Inc., at Fifth Third Bank. Nasa Lambak ng Miami ang Dayton at Springfield, na tahanan ng Unibersidad ng Dayton, Dayton Ballet, at ang ekstensibong Base ng Hukbong Pamhimpapawid ng Wright-Patterson.

Ang Toledo at Lima ay ang pangunahing lungsod sa Hilagang-kanlurang Ohio, isang lugar na kilala sa industriya ng pagawaan ng salamin. Tahanan ito ng Owens Corning at Owens-Illinois, dalawang korporasyong Fortune 500.

Steubenville ang natatanging kalakhang lungsod sa Ohiong Apaleches, isang rehiyon na kilala sa pinaghalong mga gubat mesopitiko. Ang ibang kalakhang lugar na may lungsod sa Ohio subalit pangunahing sa ibang estado ay kinababalingan ng Huntington, Kanlurang Virginia and Wheeling, Kanlurang Virginia. Ang Ohio ay ang estado sa Estados Unidos na may pinakamalaking bilang ng lungsod na may parehong pangalan sa mga lungsod sa Reyno Unido.[30]

Karagdagang impormasyon Ranggo, Pangalan ...
 
Pinakamalalaking mga lungsod o bayan sa Ohio
Pinagmulan: Senso ng Estados Unidos ng 2020[31]
Ranggo Pangalan Kondado Pop. Ranggo Pangalan Kondado Pop.
Thumb
Columbus
Thumb
Cleveland
1ColumbusFranklin905,74811YoungstownMahoning60,068 Thumb
Cincinnati
Thumb
Toledo
2ClevelandCuyahoga372,62412SpringfieldClark58,662
3CincinnatiHamilton309,31713KetteringMontgomery57,862
4ToledoLucas270,87114ElyriaLorain52,656
5AkronSummit190,46915Talon ng CuyahogaSummit51,114
6DaytonMontgomery137,64416MiddletownButler50,987
7ParmaCuyahoga81,14617LakewoodCuyahoga50,942
8CantonStark70,87218NewarkLicking49,934
9LorainLorain65,21119EuclidCuyahoga49,692
10HamiltonButler62,08220DublinFranklin49,328
Isara

Talababa

  1. Sang-ayon sa senso ng Estados Unidos [7], Ang Mas Kalakhang Columbus ang pinakamalaking Metropolitan statistical area (MSA, lugar pang-estadistikong kalakhan) na buong nasa loob ng Ohio, na may populasyon na 2,078,725; at ang Kalakhang Cincinnati ay ang pinakamalaking MSA na na may bahagyang sa loob ng Ohio, na may populasyon na 2,179,082, na tinatayang 25% nito ang nasa Indiana o Kentucky. Kung anong pinakamalaking MSA sa Ohio ay depende sa konteksto.
  2. Inakma ang elebasyon sa Hilagang Amerikanong Patayong Datum ng 1988.

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.