From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lindol sa Haiti noong 2010 ay isang lindol na nagtala ng 7.0 sa Eskalang sismolohikong Richter na tumama may 10 milya (16 km) mula sa Port-au-Prince, Haiti sa ganap na 04:53:09 PM (sa episentro) noong Martes 12 Enero 2010.[2] Ang lindol ay nagunita sa lalim ng 6.2 milya (10.0 km). Nakapagtala ang Heolohikal na Pagsisiyasat ng Estados Unidos ng ilang serye ng mga aftershock, sampu sa mga ito ang mataas sa 5.0 na kalakhan,[4] kasama na ang isang 5.9 at 5.5.
| ||||||||||||||||||||
Karamihan sa mga pangunahing palatandaan sa Port-au-Prince ang nasira ng lindol, kasama na ang Pambansang Palasyo ng Pangulo ng Haiti, ang gusali ng Pambansang Asambleya, ang Katedral ng Port-au-Prince at hindi bababa sa isang ospital.[5][6] Iniulat ng Nagkakaisang mga Bansa na ang punong tanggapan ng Misyong Pagpapapanatag ng Nagkakaisang mga Bansa sa Haiti, na matatagpuan sa kabisera, ay napinsala ng grabe at marami sa mga empleyado ang hindi makita.[7]
Naganap ang lindol noong 12 Enero 2010, tinatayang 10 milya (16 km) WSW mula sa Port-au-Prince sa lalim na 6.2 milya (10.0 km) sa ganap na 16:53 UTC-5.[2] Strong shaking with MM VII was recorded in Port-au-Prince.[8] It was also felt in Cuba (MM III in Guantánamo), Jamaica (MM II in Kingston), Venezuela (MM II in Caracas), and the bordering country of Dominican Republic (MM III in Santo Domingo).[9]
Naitala ng Heolohikal na Pagsisiyasat ng Estados Unidos ang hindi bababa sa anim na aftershock sa loob ng dalawang oras matapos ang pagyanig. Nasukat nila na nasa 5.9,[10] 5.5,[11] 5.1,[12] 4.8,[13] 4.5,[14] and 4.5.[15]
Ayon sa isang kasapi ng Heolohikal na Pagsisiyasat ng EU, base sa lakas at lokasyon ng pagyanig, umaabot sa tatlong milyong tao ang naapektuhan. Dagdag pa rito, dahil nangyari ang pagyanig sa ilalim ng lupa imbes na sa tubig, ang mga istruktura at mga tao sa ibabaw ay direktang naapektuhan ng pagyanig, lalo na't mababaw lamang ang fault.[16]
Ayon sa mga ulat ng balita, ang huling lindol na tumama sa Haiti na ganito kalakas ay noon pang 1751.[17]
Agad na nagpalabas ng babala ang Sentro ng Babala sa Tsunami sa Pasipiko sa tsunami matapos ang pagyanig,[18] subalit agad rin naman itong binawi ilang oras ang makalipas.[19]
Ayon sa isang mamamahayag ng telibisyon sa Haiti, ang "Haitipal", ang mga gusali ng Pambansang Palasyo, ministeryo ng pananalapi, ministeryo ng pagawaing bayan, ministeryo ng komunikasyon at kultura, ang Palasyon ng Katarungan, ang Superior Normal School, ang Parlamento, at ang Katedral ng Port-au-Prince ay gumuho.[20][21] Dagdag pa rito, naiulat na isang ospital ang gumuho.[18] Malubha ring nasira ang komunikasyon, kung saan sinabi ng isang dimplomat ng Haiti, "Imposible talaga ang komunikasyon ... Sinusubukan kong tawagan ang aking miniteryo pero hindi ko magawa."[18] Isa ospital rin sa Pétionville, kalapit-bayan ng Port-au-Prince, ang gumuho dahil sa lindol.[22] Ilang mga gusali ng pamahalaan ang gumuho at ang gusali ng punong himpilan ng grupong pangkapayapaan ng Nagkakaisang mga Bansa ay naiulat na malubhang napinsala. Subalit isang opisyal ng UN ang nagsabi sa CNN na ang punong himpilan ay gumuho.[23][24]
Iniulat ng CNN na maraming alikabok ang lumabas matapos ang paglindol sa Port-au-Prince. Tinatayang galing sa mga gusaling kongreto ang mga alikabok na walang rebar o iba pang suporta. Pinangangambahang marami sa mga gusaling iyon ang gumuho.[25]
Ayon sa mga naunang ulat libo-libo ang pinangangambahang namatay.[26] Ang mga ulat tulad ng bilang ng namatay at mga napinsalang gusali ay inaasahang sa Miyerkules pa ng umaga matatanggap dahil na rin sa probleman ng komunikasyon dulot ng lindol.[kailangan ng sanggunian]
Umapela para sa internasyunal na tulong ang embahador ng Haiti sa Estados Unidos na si Raymond Joseph gayundin ang kanyang pamangkin at mang-aawit na si Wyclef Jean,[27] na siya din ang "roving ambassador" para sa Haiti.[28]
Pagkatapos ng lindol, agad na sinabi ni Hillary Clinton, Kalihim ng Estados Unidos na magbibigay ng tulong at makataong tulong sa Haiti.[29]
Magpapadala ang USAID ng grupong tutulong sa Haiti. Ipapadala rin ang Fairfax County (Va.) Urban Search and Rescue Team at ang Los Angeles County Search and Rescue Team para makatulong.[30][31]
Sinabi ni Lawrence Cannon, ministrong panlabas ng Kanada na maaaring magpadala ang Kanada ng grupo ng DART.[32]
Nagpadala nang grupo ang Turkish Red Crescent sa rehiyon.[33]
Magbibigay rin ang HAM (Amateur) Radio Operators ng tulong para sa kalamidad.[34]
Ang Haiti ay isang mahirap na bansa, ika-149 sa Talatuntunan ng Kaunlaran ng Tao.[35] May pag-aalala tungkol kakayanan ng emergency services' na makayanan ang mga sakuna,[36] at ang bansa ay itinuturing na "mahina ang ekonomiya" ng Food and Agriculture Organization.[37]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.