Amerikanong sikolohista at inhinyerong pang-industriya From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Lillian Evelyn Moller Gilbreth (Mayo 24, 1878 - Enero 2, 1972) ay isang Amerikanong sikolohista at inhinyerong pang-industriya. Isa sa mga unang babaeng inhinyerong nagkamit ng PhD, siya ang tinaguriang kauna-unahang tunay na sikolohistang pang-industriya o pang-organisasyon. Siya at ang kanyang asawa na si Frank Bunker Gilbreth, Sr. ay mga eksperto sa kahusayan na nag-ambag sa pag-aaral ng pag-iinhinyerong pang-industriya sa iba’t ibang larangan tulad ng motion study at human factors. Isinalaysay ang buhay ng kanilang pamilya kasama ang kanilang labin-dalawang anak sa mga librong Cheaper by the Dozen at Belles on Their Toes (isinulat ng kanilang mga anak na sina Ernestine at Frank, Jr.) at inilarawan kung paano nila inilapat ang kanilang interes sa time and motion study sa organisasyon at pang-araw-araw na gawain ng isang malaking pamilya.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.