From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Amasa Leland Stanford[1] (9 Marso 1824 – 21 Hunyo 1893) ay isang Amerikanong kasike (tycoon, makapangyarihang mangangalakal), industriyalista, politiko, tagabuo ng riles na naglunsad ng California Central Pacific Railroad, at tagapagtatag ng Stanford University.[2] Sa pagdayo niya mula sa New York papuntang California noong panahon ng Gold Rush (Dagsa ng Ginto), si Stanford ay naging isang matagumpay na mangangalakal na nagtitingi at mamamakyaw, at nagpatuloy na buoin ang kaniyang imperyo ng negosyo. Naglingkod siya bilang gobernador ng California sa loob ng isa terminong binubuo ng dalawang taon pagkaraan ng pagkakahalal sa kaniya noong 1861, at paglaon ay walong taon bilang senador mula sa estado. Bilang pangulo ng Southern Pacific at, simula noong 1861, ng Central Pacific, nagkaroon siya ng malaking kapangyarihan sa rehiyon at nagbigay ng nagtatagal na epekto sa California. Maraming mga Amerikano ang tumuturing sa kaniya bilang isang "magnanakaw na baron".[3][4][5][6][7]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.