From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lucca ay isang lalawigan sa rehiyon ng Toscana sa Italya. Ang lungsod ng Lucca ang kabisera nito.
Ito ay may lawak na 1,773 square kilometre (685 mi kuw) at isang kabuuang populasyon na humigit-kumulang 390,000. Mayroong 33 comune (komuna o munisipalidad) sa lalawigan.[1]
Matatagpuan sa hilagang-kanlurang baybayin ng Italya, sa loob ng Toscana, may hangganan ang Lucca sa Dagat Liguria sa kanluran, ang mga lalawigan ng Massa at Carrara sa hilagang-kanluran, Pisa sa timog, Pistoia sa hilagang-silangan at Kalakhang Lungsod ng Florencia sa silangan. Sa hilaga ito ay sumasaklaw sa rehiyon ng Emilia-Romaña (Mga Lalawigan ng Reggio Emilia at Modena). Ang daan patungo sa Dagat Liguria ay sa pamamagitan ng mga munisipalidad tulad ng Torre del Lago, Viareggio, at Forte dei Marmi. Ito ay nahahati sa apat na lugar; Piana di Lucca, Versilia, Media Valle del Serchio, at Garfagnana.[2] Kilala ang Versilia sa mga malalawak nitong dalampasigan, at may mga dalampasigang dune at wetlands sa Liwasang Pangkalikasan ng Migliarino-San Rossore-Massaciuccoli. Ang mga pangunahing resort ng lalawigan ay matatagpuan sa Viareggio, Lido di Camaiore, Pietrasanta, at Forte dei Marmi. Ang Garfagnana ay kilala sa mga makahoy na burol at mga puno ng olibo.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.