From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Kyle Thomas Busch (ipinanganak noong ika-2 ng Mayo, 1985. sa Las Vegas, Nevada) ay isang Amerikanong karerista. Sa kasalukuyan, minamaneho niya ang #5 Kellogg's/CARQUEST Chevrolet para sa Hendrick Motorsports sa NASCAR NEXTEL Cup Series at ang #5 Chevrolet sa NASCAR Busch Series. Lumaki siyang nagkakarera sa Bullring sa Las Vegas Motor Speedway. Madalas siyang mabansagan bilang Shrub, dahil siya ang nakababatang kapatid ni Kurt Busch na isa ring NASCAR driver.(Ang isang maliit ni "bush" ay tinatawag ding "shrub.")[1]
Sa edad na 16, lunahok na si Busch sa NASCAR Craftsman Truck Series para sa Roush Racing bilang isang tagahalili matapos pakawalan ang dalawang driver sa kalagitnaan ng 2001 season, at nakuha niya ang dalawang top-10 finishes niya sa six starts at na-schedule para sa full-season campaign ng 2002.(Noong 2000, pinayagan ng pamantayan ng NASCAR na ang isang driver na lumahok sa pitong starts—na tumaas mula sa lima—sa isang season bago maging isang full-time na driver mulas a rookie status.)
Si Busch ang pinakamabilis sa practice para sa 2001 Craftsman Truck Series race sa California Speedway sa Fontana, CA, bago siya ma-eject sa track ng CART officials dahil ang American Racing Wheels 200 ay parte ng CART weekend kung saan featured ang Marlboro 500 CART FedEx Championship Series event. Si Busch ay na-eject dahil nakasaad sa Master Settlement Agreement ng 1998 na hindi papayagang lumahok ang isang driver na mas bata sa edad na 18 kung saan ang sponsor ay isang kompanya ng tobacco.
Anim na linggo matapos ang insidente, ipinatupad ng NASCAR ang minimum age na 18 taong gulang na simula 2002 upang iwasan na muling maulit ang mga katulad na insidente sa hinaharap, dahil ang Winston ay isa sa mga sponsor ng series. (Muling nabago ang nasabing patakaran noong 2007, ng babaan ang age limit sa 16.)
Nang maipatupad ang age requirements, lumipat si Busch mula sa NASCAR papuntang American Speed Association (ASA) series, isang Midwest based na kompanya na naging daan din para sa kanyang tagumpay; noong 2002 season, natapos si Susch sa ikawalong pwesto sa puntos para sa ASA series.
Lumahok si Busch sa isang karera noong 2004 para sa Morgan-Dollar Motorsports sakay ng #47 Acxiom Chevrolet Silverado.
Bumalik si Busch sa Craftsman Truck Series noong 2005 para sa limitadong bilang ng karera sakay ng Billy Ballew Motorsports's Chevrolet, at nanalo sa Lowe's Motor Speedway, Dover International Speedway, at sa fall race sa Atlanta Motor Speedway, at lahat ng mga nasabing kumpetisyon ay 200-mile races. Si Busch ang naging pinakabatang driver na nanalo sa Truck Series race, sa edad na 20 taon at 19 na araw.
Inulit ni Busch ang kanyang tagumpay sa Lowe's Motor Speedway noong 2006 sakay ng isang truck na kawangis ng Rowdy Burns mula sa Days of Thunder, bilang parangal kay Bobby Hamilton (na stunt driuver ng nasabing character), na nakikipagbuno noong nga panahon na iyon sa sakit ng kanser (na sa kalaunan ay naging dahilan ng kanyang pagpanaw).
Sa pagtungtong ni Busch sa edad na 18, naging partner siya ng Hendrick Motorsports upang lumahok sa set ng anim na NASCAR Busch series raced sa ilang piling tracks, sakay ng #87 Ditech.com Chevrolet Monte Carlo para sa NEMCO Motorsports. Sa kanyang oras sa nasabing sasakyan, naitala ni Busch ang kanyang second career-high sa Busch Series sa kanyang unang Busch Series race sa Lowe's Motor Speedway noong Mayo, 2003. Kumampi din siya kay Hendrick upang lumahok sa piling karera sa ARCA RE/MAX Series, kung saan nanalo siya sa mga karera sa Kentucky Speedway at Nashville Superspeedway, kung saan siya ay nagsimula sa pole position, Ang kanyang unang full-time position ay nagsimula noong 2004, nang lumahok siya sakay ng naiwang kotse ni Brian Vickers, na umangat naman sa NEXTEL Cup series. Madaling nakuha ni Busch ang Rookie of the Year honors ng nasabing series. Si Busch ay nagtagumpay sa limang karera noong 2004, at nagtapos sa ikalawang pwesto overall sa puntos. Nanalo din si Kyle Busch sa Carquest Auto Parts 300 sa Lowe's Motor Speedway noong 2005. nagwagi naman siya sa Sharpie Mini 300 sa Bristol Motor Speedway noong 2006. Naging intereseanteng taon para kay Busch ang 2007. Dalawang tagumpay sana ang maaring mapasakamay ni Busch sa (Nicorette 300 sa Altanta, at Sam's Town 300 sa LVMS) subalit may mga pagkakamali na naging dahilan upang malabas sa contention si Busch. Noong ika-7 ng Hulyo, 2007, napanalunan ni Busch ang kanyang unang karera sa Daytona matapos magtagumpay sa Winn-Dixie 250.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.