pinag-aagawang karang sa Dagat Timog Tsina From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bajo de Masinloc[1][2] o Buhanginan ng Panatag[3] (Ingles: Scarborough Shoal; Tsino: 黃岩島, Huáng Yán Dǎo, lit. na 'pulo ng dilaw na bato'[4] o 民主礁, Mínzhǔ Jiāo, lit. na 'bahura ng demokrasya') ay dalawang eskolyo (bato[lower-alpha 1]) na matatagpuan sa gitna ng Pampang ng Macclesfield sa kanluran at Luzon sa silangan. 220 kilometro (119 nmi) ang layo ng Luzon, at ito ang pinakamalapit na kalupaan.[5] Pinag-aagawan ang karang ng Republika ng Pilipinas sa pamamagitan ng mapang Velarde ng 1734, habang inaangkin ito ng Republikang Bayan ng Tsina at Republika ng Tsina (Taiwan) sa pamamagitan ng pinagtatalunang[6] siyam na gatlang na guhit (tinatawag na labing-isa na gatlang na guhit ng Taiwan, na kinabibilangan ng mga tubig sa Golpo ng Tonkin[7]). Madalas na pinag-uusapan ang katayuan ng karang kasama ng ibang alitan sa teritoryo sa Dagat Timog Tsina tulad ng mga alitan tungkol sa Kapuluang Spratly, at ang standoff sa Buhanginan ng Panatag noong 2012. Sinimulan ang 2012 na standoff ng Pilipinas sa paggamit ng mga barkong pandigma laban sa mga barkong pangisda ng mga Tsino na nakibahagi sa ilegal na pangingisda, na sinundan ng standoff sa mga barko ng Chinese Marine Surveillance, kaya nasakop ang pook ng mga hukbong pandagat ng Tsina.[8][9]
Pinag-aagawang isla Ibang pangalan: Scarborough Shoal Bajo de Masinloc Pulo ng Huangyan Minzhu Jiao | |
---|---|
Larawan ng Buhanginan ng Panatag mula sa NASA | |
Heograpiya | |
Lokayson | Dagat Kanlurang Pilipinas |
Mga koordinado | 15°11′N 117°46′E |
Kapuluan | 150 square kilometre (58 mi kuw) |
Pinakamataas na punto | Timog Bato o Nan Yan (南岩) 3 metro (9.8 tal) |
Pinamumunuan ng | |
Pilipinas | |
Lalawigan | Masinloc, Zambales |
Inaangkin ng | |
Republikang Bayan ng Tsina | |
Republika ng Tsina (Taiwan) | |
Demographics | |
Populasyon | wala |
Karagdagang impormasyon | |
Scarboroughshoal.com |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.