Ang kromosomang 3 o kulaylawas[1] na 3 (Ingles: Chromosome 3) ang isa sa 23 mga pares ng kromosoma sa mga tao. Ang mga tao ay normal na mayroong dalawang kopya ng kromosomang ito. Ang kromosomang 3 ay sumasaklaw sa halos 200 milyong mga base na pares na pantayong materyal ng DNA at kumakatawan sa mga 6.5 porsiyento ng kabuuang DNA sa mga selula.
Ang pagtukoy ng mga gene sa bawat kromosoma ay isang aktibong henetikong pagsasaliksik. Dahil sa ang mga mananaliksik ay gumagamit ng iba't ibang mga paraan sa paghula ng bilang ng mga gene sa bawat kromosoma, ang tinantiyang bilang ng mga gene ay iba iba. Ang kromosomang 3 ay malamang na naglalaman sa pagitan ng 1,100 at 1,500 mga gene.
Remove ads
Ang mga sumusunod ang ilan sa mga gene na matatagpuan sa kromosomang 3:
brasong-p
ALAS1: aminolevulinate, delta-, synthase 1
BTD: biotinidase
CCR5: chemokine (C-C motif) receptor 5
CNTN4: Contactin 4
COL7A1: Collagen, type VII, alpha 1 (epidermolysis bullosa, dystrophic, dominant and recessive)
C3orf14-Chromosome 3 open reading frame 14: predicted DNA binding protein.