Ang pangangatwiran (Ingles: justification[1]) ay kung ano ang ginagawa natin kapag kumukuha tayo ng impormasyon na ibinigay sa atin, ihambing ito sa kung ano ang alam na natin, at pagkatapos ay gumawa ng konklusyon.
Isaalang-alang
Sa isang mabisang pangangatwiran, mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod:
- Malalim na kaalaman at pagkaunawa sa paksang ipagmamatuwid
- Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid
- May sapat na katwiran at katibayang pakapagpapatunay sa pagmamatuwid
- Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang makapanghikayat
- Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan at bukas na kaisipan sa pagpapahayag ng kaalamang ilalahad.
Pakikipagdebate
Isang paraan upang maipakita ang kasanayan sa pangangatwiran ay sa pamamagitan ng pakikipagdebate. Ito ay binubuo ng pagtatalo ng dalawang koponan o pangkat na nagbibigay-katwiran sa isang proposisyon o paksang napagkasunduan nilang pagtalunan. Kadalasan, binibigkas ang pagtatalo subalit mayroon din namang pasulat.
Mga Hakbang sa Paghahanda sa Pakikipagdebate
Pangangalap ng Datos
Ito ang mga katotohanang gagamitin sa pagmamatuwid at kinukuha ang mga ito sa napapanahong aklat, sanggunian, magasin at pahayagan. Dalawang sanggunian ang karaniwang pinagkukunan ng mga datos: ang sariling karanasan at ang pagmamasid ng ibang awtoridad sa paksa. Maituturing na awtoridad ang isang tao kung siya ay dalubhasa o kilala sa kanyang larangan.
Dagli
Ito ang balangkas ng inihandang mga katwiran. Sa ibang salita, ito'y pinaikling pakikipagdebate. Mayroon itong simula, katawan at wakas.
- Simula - inihahayag ang paksang pagtatalunan at ang kahalagahan nito sa kasalukuyan. Ginagawa rin dito ang pagbibigay-katuturan sa mga termino at pagpapahayag sa isyu.
- Katawan - inilalahad ang mga isyung dapat na sagutin. Bawat isyu ay binubuo ng mga patunay, mga katibayan o mga katwirang magpapatotoo sa manig na ipinagtatanggol.
- Wakas - ang buod ng isyungbinigyang-patunay
Pagtatanong
Bahagi ng pagdedebate ang pagtatanong. Narito ang ilang paalala sa pagtatanong sa debate.
- Magtanong lamang ng mga tanong na ang sagot ay oo o hindi.
- Huwag payagang magtanong ang kalaban kung ikaw ay nagtatanong. Maaaksaya ang iyong oras ng pagtatanong.
- Kung lumalabag sa alituntunin ng pagtatanong ang isa sa kanila, dapat ipaalam sa tagapangasiwa ng pagdedebate.
Panunuligsa
May panunuligsa (rebuttal) din sa debate. Narito ang mga dapat tandaan sa panunuligsa.
- Ilahad ang mga mali sa katwiran ng kalaban.
- Ipaalam ang walang katotohanang sinabi ng kalaban.
- Ipaliwanag ang kahinaan ng katibayan ng kalaban.
- Ipaalam kung labas sa buod ang katwiran o katibayan ng kalaban.
- Magtapos sa pagbubuod ng sariling katwiran at katibayan.
Tingnan din
Mga Sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.