Ang katarungan o hustisya ay tumutukoy sa katuwiran (binabaybay ding katwiran[1]), pagiging wasto o kawastuhan (binabaybay ding kawastuan), katumpakan, at pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas o sa harap ng isang hukuman. Ibinibigay sa makatarungang paghuhukom, paghuhusga, o gawain ang parehas na paghahawak at pakikitungo, at pagbibigay ng karampatang gawad o trato, o kaya ng karampatang pagkilala.[2]

Thumb
‘’Justitia’’ (Maarten van Heemskerk, 1556)

Kaugnay o katumbas ito ng mga salitang pagwawasto, kaparehasan[2], kaganapan, at kapangyarihan.[1]

Sa pananampalataya, katulad ng Katolisismo o Kristiyanismo, tumutukoy ang katarungan sa palaging pagtupad sa "mahal na kalooban" ng Diyos, sa gawang kabanalang tulad ng pagbibigay ng limos, pagdarasal, at pag-aayuno; at may kaugnayan sa o katumbas din ng kabutihan, kabanalan, at relihiyon.[3]

Tingnan din

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.