Ang kinakapatid na lungsod o kakambal na bayan ay isang anyo ng legal o panlipunang kasunduan sa pagitan ng dalawang lokal na magkakaiba heograpikal at politikal para sa layunin ng pagtataguyod ng kultural at komersiyal na ugnayan.[1]

Thumb
Fingerposts sa Oskarshamn, Suwesya, na naglilista ng mga kambal na bayan nito: Middelfart, Dinamarka; Mandal, Noruwega ; Pärnu, Estonia; Korsholm, Pinlandiya; at Hibiscus Coast, Timog Africa

Bagaman may mga unang halimbawa ng pandaigdigang ugnayan sa pagitan ng mga munisipalidad na katulad ng tinatawag na kapatid na lungsod o kambal na bayan ngayon noong ika-9 na siglo,[2] ang modernong konsepto ay unang itinatag at pinagtibay sa buong mundo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[3][4]

Ang layunin ng pagkakambal pagkatapos ay pinalawak upang hikayatin ang kalakalan at turismo[5] o upang ipakita ang iba pang mga ugnayan, tulad ng mga bayan na nagbabahagi ng parehong pangalan o ugnayan sa migrasyon.[6] Bandang dekada 2000, ang pagkakambal ng bayan ay lalong ginagamit upang bumuo ng mga estratehikong pandigdigang ugnayan ng negosyo sa mga miyembrong lungsod,[7][8] at maaaring kabilang ang mga lokalidad ng anumang saklaw tulad ng mga nayon, prepektura, o mga bansa.

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.