From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang manga na josei (女性漫画, literal: komiks ng babae, binibigkas na [dʑoseː]) ay komiks sa bansang Hapon na tinatarget sa mas matandang tinedyer na mga babae at babaeng adulto na nakakabasa ng kanji na walang tulong ng furigana. Hindi dapat ikalito ang manga na josei, na kadalsang erotika ang nialalaman, sa "manga na shōjo" (少女漫画) na para sa mas batang tinedyer na mga babae o "komiks ng dalaga" (レディースコミックス redīsu komikkusu) o "LadyComi" (レディコミ redikomi).[1] Maaring pumatak ang mga mambabasa ng manga na josei sa mga gulang mula 18 hanggang 45.[2] Isang salitang Hapon ang "Josei" para sa "kababaihan".[3][4]
Ito ang iniulat na katamtaman o average na sirkulasyon para ilang mga pinakamabentang magasin na manga na josei noong 2007.[5]
Pamagat ng magasin | Iniulat na sirkulasyon |
---|---|
You | 194,791 |
Be Love | 194,333 |
Kiss | 167,600 |
Cocohana | 162,916 |
Elegance Eve | 150,000 |
For Mrs. | 150,000 |
Romance White Paper Pastel | 150,000 |
Dessert | 149,333 |
The Dessert | 141,664 |
Office You | 117,916 |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.